Halu halong emosyon ang aking naramdaman habang pinagmamasdan ko si Anastasia na naglalakad palapit sa akin at suot ang kanyang damit pangkasal. Hindi ko akalain na ang minsang pinangarap ko noon ay naisakatuparan na ngayon. Nang magtagpo ang aming mga mata ay tuluyan na ngang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha. Nag uumapaw ang aking saya, kaba, at pagmamahal para sa nag iisang babaeng nagmamay ari ng aking puso. Tulad ko ay maluha luha rin ito at kapwa namin pinunasan ang aming mga luha. Sa pagkakataong iyon ay hindi na kailangan ng salita. Tanging ang aming mga puso ang nag usap ng sandaling iyon. Simula ng araw na iyon ay sumumpa ako sa harap ng Diyos na mamahalin ko si Anastasia habang ako'y nabubuhay. Araw araw ay itinatatak ko sa memorya ang kanyang mukha, ang kanyang mga

