Makalipas ang isang buwan Mula sa mahimbing na pagtulog ay unti unti akong ginising ng sikat ng araw. Namimigat pa ang aking mga mata at kalahati pa ng aking diwa ang gising. Awtomatikong inabot ng aking kamay ang kabilang banda ng kama. Lumingon ako sa aking tabi at natagpuan ang isa pang unan at ang hindi nagusot na kumot at kobre kama. Unti unti ay muli kong naramdaman ang pag iisa. Isang buwan na ang nakalipas ngunit mahirap tanggalin ang nakagawian ko nang gawin noong magkasama pa kami ni Anastasia. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang mangulila sa kanyang yakap, sa kanyang boses, at sa kanyang halik na bumabati sa aking paggising. Ilang gabi akong umaasa na muli ko syang makasama sa aming pagtulog hanggang sa aming paggising. Na muli ko syang makasama sa aking tabi. Ngunit sinag

