Lauren's POV Suot ang aking designer suit, handbag at sapatos - isama pa ang aking mamahaling mga alahas ay dire diretso akong naglakad patungo sa aking bagong opisina. Lahat ng aking makasalubong pati na ang mga dating tao ni Anastasia ay hindi maiwasang mapatingin sa akin. Napuno ng katahimikan ang paligid at tanging ang mga yapak ng aking stilletos ang maririnig. Ang kanilang mga nakaw na tingin mula sa kani kanilang work desks ay nakakapag bigay saya sa akin. I know they're sad. They're frightened. Pero wala na silang magagawa. Naagaw ko na kay Anastasia ang posisyong ito. Yes, it's official. I am the new VP for Marketing at the Whitman Group. And here, I'm the boss. Whoever disobeys me will surely be fired. "Ano 'to? Do you even call this a report?!" padarag kong ibinagsak ang fol

