LIHIM na nangingiti si Tarah habang pinagmamasdan ang mga magulang nitong magiliw na nakikipaglaro kay Matteo. Napapatawa ng anak nito ang mga magulang niya, lalo na ang Daddy niya na napaka istrikto. Kaya nga hindi nananatili sa mansion si Tarah. Dahil palagi lang silang nagbabangayan ng Daddy niya. Kahit sangkaterbak na sermon ang inabot nito sa kanyang mga magulang noong mapag-alaman ng mga itong nabuntis siya ng isang istranghero, tila yelong nalusaw ang pagtatampo ng mga ito nang makita na nila si Matteo kahit sa videocall lang. "Anak, come. Tulungan mo akong maghanda ng meryenda," wika ng ina nito na hindi namalayan ni Tarah na lumapit na pala sa kanya. Nagpatianod naman ito sa ina na nagtungo ng dining room. "Dito na ba kayo titira ni Matteo, hija?" tanong ng ina nito habang

