TULALANG umuwi si Chelsea na hindi mawala-wala sa isipan nito si Matteo. Ibang-iba ang bugso ng damdamin nito sa bata. Lalo na't kamukhang kamukha nito si Luke noong kaedaran ito ng binata niya. Mahigit dalawang dekadang nanirahan si Tarah sa Vancouver. At ni minsan, hindi ito umuwi ng bansa. Naging abala na kasi ito sa pagiging modelo sa Vancouver. At minsanan lamang sila magtawagan ni Chelsea dahil naging abala din ito sa buhay may-asawa. Pagdating nito sa mansion, nagulat pa ito na nandidito na ang asawa niyang si Luke Sr. Abala ito sa tinitipa sa laptop at nakapang opisina pa rin. "Hi, love." Pagbati nito na nilapitan ang asawa at hinagkan. Napangiti si Luke na humalik pa sa pisngi nito bago bumaling sa laptop. "Where did you go, sweetheart?" tanong ni Luke Sr na abala sa tin

