MAGHAPONG nakahilata sa kama si Tarah at hindi na muna nagtrabaho. Pinagpahinga naman ito ng kanyang manager at kitang hindi makatayo ng maayos ang dalaga. Naiiling na lamang ito na inaasikaso si Tarah at wala namang ibang pamilya ang dalaga sa Vancouver. Nasa Pilipinas ang mga magulang at unico hijo nito. Kaya sa tuwing nagkakasakit si Tarah, silang mga kaibigan niya lang ang malapit na pwedeng mag-alaga sa dalaga. "Pasensiya ka na, Aries. Babawi ako next week," wika ni Tarah habang pinapakain siya ng bulalo ng kaibigan. "Para ka namang iba. Isa pa, isa ka sa mga pinakasikat ngayong model ng bansa. Ayoko namang may maipuna sa'yo ang iba. Sa dami ng camera at mga matang nakatutok sa bawat galaw mo, tiyak na mapapansin nilang hindi ka makatayo ng maayos. Napaka mausisi pa naman ng mga

