SINAMAHANG kumain ni Tarah ang anak nito. Habang kumakain si Edward ay nagkakwentuhan silang mag-ina. Nagpaalam na rin si Aries sa dalawa para makapag-solo at ilang buwan din silang hindi nagkakasama. "Mom, how are you here? Anong bago sa'yo?" tanong ni Edward habang naghuhugas ito ng mga pinagkainan. "Wala namang bago, anak. As usual, busy sa trabaho, taping at photoshoot. May mga bagong endorsement nga ako eh. Kaya heto, tambak ang schedule ko." Sagot ni Tarah dito. "Huminto ka na kasi sa pagmo-modeling, Mom. Malayo na ang narating mo. Siguro naman pwede ka nang magpahinga at mag-focus sa pamilya mo. Sa akin na anak mo. Mag-isa na nga lang akong anak mo eh. . . wala ka pang oras sa akin," nagtatampong saad ni Edward na ikinangiti nitong tumayo sa kinauupuan at niyakap ang anak nito

