MAAGA pa lang ay bumangon na si Chelsea at nag-ayos ng sarili. Hindi na ito makapaghintay na pumasok sa kumpanya ng Ninong nito. Isang white blouse na pinaresan nito ng black pencil skirt at black blazer ang suot nito. Light make-up at hinayaan lang nakalugay ang mahaba at alon-alon nitong blondeng buhok. Napakaganda at sexy nitong tignan na kahit sinong lalake ay mapapalingon dito. Matapos maayusan ang sarili, nag-spray na ito ng favorite Victoria's secret perfume nito at nagsuot ng black stilleto. Pakanta-kanta pa ito na bumaba ng hagdanan. Napakaaliwalas ng magandang mukha nito na nagniningning ang mga mata. “Good morning!” masiglang pagbati nito na ikinalingon ng pamilya nitong nandidito sa sala na nagkakape. Sabay-sabay pang napalingon ang mga ito na napaawang ng labi na makit

