MASAYANG kumakain ang dalawa sa pool nang dumating na si Chloe mula sa trabaho. "Anyway, Ninong. Kailan ako magsisimulang magtrabaho sa'yo?" saad ni Chelsea na nagpapasubo pa sa Ninong nito. "Magtatrabaho? Sa akin?" naguguluhang tanong ni Luke na ikinatango-tango nito. Napapilig pa ito ng ulo na iniisip kung kailan pa nag-apply ng trabaho sa kanya ang dalaga. "Teka, kailan ka pa nagpasa ng resume mo sa kumpanya?" nagtatakang tanong ni Luke dito na napahagikhik. Siya namang pagsulpot ni Chloe na narinig ang tanong ni Luke. "Naku, dude. Pagbigyan mo na ang inaanak mo. Hindi ka rin naman tatantanan niya'n eh. Ako lang ang kukulitin niya na ipasok siya sa kumpanya mo." Wika ni Chloe na ikinalingon ng dalawa dito. "Hi, Daddy!" masiglang pagbati ni Chelsea na tumayong yumakap at ha

