HALOS madapa si Chelsea maabutan lang si Chesca na nagsisisigaw sa tapat ng silid ng kanilang mga magulang! “Chesca! Shut your mouth!” sikmat nito na ma tinakpan ng palad ang bibig ng kapatid nitong kinakalampag ang pintuan ng silid ng kanilang mga magulang! “Uhmp–get off me, Ate! Isusumbong kita–umpt!” sigaw nito na nanlalaban. Halos kaladkarin naman na ito ni Chelsea na hinila sa kanyang silid habang nakatakip pa rin sa bibig ni Chesca ang palad nito. Kaagad namang sumunod si Luke na kabado at pinagpapawisan. “I said shut up!” galit na sigaw ni Chelsea dito pagkapasok nila ng silid. Pabalang nitong binitawan si Chesca na napalabing kitang natakot na makita ang galit sa mukha ng Ate Chelsea nito. “Calm down, sweetheart. Let me handle this,” wika ni Luke dito. Napasabunot ito sa

