MAAGANG gumising si Chelsea na lumipat sa kanyang silid bago pa man magising si Therese. Maingat itong humiga sa tabi ng kaibigan nitong nahihimbing pa rin. Napatitig ito kay Therese. Kahit nahihimbing ito ay bakas ang lungkot sa maamong mukha nito. At alam naman ni Chelsea kung bakit. Pero kahit naaawa siya sa kaibigan ay mas nanaisin naman niyang ito ang iwanan ni Luke kaysa siya. “I'm sorry, Therese. I hope and pray you'll find someone else. Someone that deserve your worth and love. I'm sorry kung. . .kung kukunin ko na si Luke sa'yo kahit siya lang ang meron ka. Hindi ko rin kasi kaya eh. I can't live my life without him.” Piping usal nito na nangilid ang luhang nakamata sa kaibigan. Nagkunwari itong nahihimbing nang gumalaw si Therese na unti-unting nagising. Napainat pa ito ng mg

