"WHAT happened, Chelsea? Sinaktan ka na naman ba ng Mommy mo?" nag-aalalang tanong ni Delta na dinamayan ang pamangkin nito. Kaagad niya itong inalalayang makapasok ng kotse bago sumakay ng driver's seat. "Mabuti nga kung gano'n lang sinapit ko, Tito. Pero hindi eh. Mas masakit pa sa pambubogbog ni Mommy sa akin noong nakaraan ang sakit na nadarama ko ngayon sa mga nalaman ko," humihikbing saad nito na ikinalunok ng kanyang Tito. "W-what do you mean, sweetie?" tanong ni Delta na inabutan ito ng panyo. "Tito, alam ko na po." Sagot nito na nagpahid ng luha at sipon. "I've heard everything, Tito. Mula sa labi ni Mommy at Daddy. Nagtatalo po sila kanina kaya aksidente kong narinig ang pinagtatalunan nila." Hindi nakaimik si Delta at alam naman niya kung ano ang tinutukoy ni Chelsea.

