MAINIT ang ulo ni Luke na sumakay ng taxi papuntang Payne's Shipping Airlines. Panay ang sulyap nito sa wristwatch nito dahil kahit maaga siyang lumabas ng apartment, hirap naman siyang kumuha ng taxi na masasakyan. Naipit pa ito sa traffic na lalong ikinaaalboroto ng dugo nito. Halos hindi ito nakatulog buong magdamag. Bukod sa mainit sa silid niya, nababahuan din ito sa lugar. Idagdag pang manipis lang ang foam ng higaan nito kaya pabaling-baling ito sa kama na hindi makatulog. May electric fan naman ito pero hindi ito sanay sa gano'n. Hinahanap ng katawan niya ang mabango, malamig at malambot niyang kama na nakasanayan niya. “Damnit!” napamura na lamang ito na sobrang haba ng pila. May meeting kasi sila sa ilang investor mamayang eleven a.m. Marami pa itong kailangang tapusin sa o

