Chapter 10

1925 Words
HAPON na nang gisingin ni Luke si Chelsea at kailangan na rin nitong umuwi. "Sweetheart, wake-up." Malambing saad nito na marahang niyugyog ito sa balikat. "Uhmm." Napangiti ito na pinakatitigan ang dalagang umayos ng higa na yumapos sa batok nito. "Paano ba kita ipaglalaban, sweetheart?" piping usal nito na nakamata sa dalagang nakapikit pa rin. "Ninong, what time is it?" inaantok nitong tanong. "It's already five o'clock in the afternoon, sweetheart. Bumangon ka na, hmm?" malambing sagot ni Luke na hinagkan ito sa noo. "Here pa, Ninong." Natawa si Luke na inabot ang mga labi nitong nakatulis na itinuro ni Chelsea. Napahagikhik pa itong tinugon ang halik ng Ninong nito. Napapikit ito na marahang hinaplos ng dalaga ang pisngi nito at dinadama ang mainit at malambot nitong palad. "How I wish time would stop so that I could stay with you longer, Ninong." Saad nito na dahan-dahang ikinadilat ng mga mata ni Luke. He gently caressed her cheek and kiss her on her forehead. "Me too, sweetheart. Kung kaya ko lang. Gagawin ko." Anas nito na inabot ang mga labi ni Chelsea. Naputol ang mapusok at malalim nilang halikan ng mag-ring ang cellphone ni Luke. Naghahabol hininga pa ang mga itong nagkangitian. "Magbihis ka na, sweetheart. Ako ng mahahatid sa'yo, hmm?" ani Luke dito na tumango. Kinikilig itong nagbihis na nakamata sa Ninong nitong may kausap sa cellphone. Kampante naman itong magpahatid sa Ninong nito. Dahil kapag ito ang kasama niya ay hindi na siya iinterview-hin ng kanyang ama kung saan ito nanggaling. "Are you done?" tanong ni Luke matapos makausap si Delta sa kabilang linya. "Opo, Ninong." Sagot ni Chelsea na yumakap na sa baywang nitong napangiting inakbayan ang inaanak. PAGKAHATID ni Luke kay Chelsea sa mansion ay umalis na rin ito at hinihintay na siya ng mga kaibigan sa Bar na pagmamay-ari din ni Chloe. Habang nagmamaneho ito ay nag-vibrate ang cellphone nito na kaagad binasa nang makitang si Chelsea ang nag-message. "Don't drink too much ha?" Napangiti ito na parang naririnig pa niya ang malambing boses ng dalaga. Ibababa na sana niya ang cellphone nang magpadala ulit ito ng message. "And you're not allowed to flirt with other girls out there. I'm going to ask Daddy either if you flirt there." Pagbabanta nitong mahinang ikinatawa at iling ni Luke. "Behave, my Ninong. I love so much." Hindi na natiis ni Luke at tinawagan ito na itinabi ang kotse sa gilid ng kalsada. Kaagad din namang sumagot ang dalaga. "I won't po. No worries, sweetheart. Hindi ako mambababae doon." Saad ni Luke na impit nitong ikinairit sa kabilang linya. Nangingiti naman si Luke na pinapakinggan ito. "Make sure ha? You don't want me to get jealous, right?" paglalambing pa nito. "Opo. I won't. Kahit tanungin mo pa ang Daddy mo pagdating niya kung wala kang tiwala sa akin," ani Luke. "I trust you, Ninong. Pero wala akong tiwala sa mga babaeng malalanding nandoon sa Bar na naghihintay ng makakalabit nilang gwapong mayaman like you." Maarteng turan nito na ikinatawa ni Luke. "Ikaw talaga. Sige na, sweetheart. I'm driving eh. I'll call you later, okay?" pamamaalam na ni Luke dito. "Okay, Ninong. Drive safe ha? I love you." "Thanks, sweetheart. I love you too." Naiiling si Luke na nangingiting ibinaba na ang linya na marinig nitong napapairit si Chelsea sa kabilang linya. "Ang cute mo talaga," nangingiting saad nito sa wallpaper nitong si Chelsea lang naman. Pinalitan kasi ng dalaga ang wallpaper ng cellphone nito na mapansing plain flowers lang ang wallpaper. Puno na nga ang gallery nito ng mga picture at video ni Chelsea. May mga pictures din naman silang magkasama at maging siya ay hindi nakakaligtas sa kakulitan ng dalaga. Pagdating nito sa tagpuan nilang magkakaibigan, siya na lang ang wala. Tumayo naman ang tatlo na nakipag fist bump dito. "What took you so long, dude?" ani Delta na inakbayan itong naupo sa tabi niya. Pinagsalin naman ito ni Chloe ng shot nila na iniabot dito. "Thanks, dude. Uhm, dumaan si Chelsea kanina sa opisina eh. Naglalambing at may nais ipabili sa akin at tinanggihan mo raw na bilhin 'yon, dude." Sagot nito na bumaling kay Chloe. "Oh, that little brat." Naiiling saad nito na napasimsim sa shot niya. "She want me to go to Paris this weekend para bilhin 'yong limited edition na Channel boots na bagong labas." Wika nito. "Pasensiya ka na, dude. May gagawin kasi ako sa weekend na mahalaga. Ikaw tuloy ang kinukulit ng inaanak mo." Ngumiti naman si Luke na nakipag-toss dito. "Wala 'yon, dude. Maliit lang naman na bagay para sa kasiyahan ng prinsesa natin." Saad nito na ikinangiti ni Chloe. "I send you the money." "No need, dude. Ako ng bahala do'n." "Are you sure?" paninigurong tanong ni Chloe dito na ngumiting tumango. Mabuti na lang at naalala nito ang request ni Chelsea sa kanya kanina habang pauwi sila sa mansion. Naglalambing ito na magtungo sila sa Paris sa weekend para bilhin 'yong bagong release na boots na gustong-gusto ng dalaga. Tatlong pares lang kasi iyon. Tiyak na pag-aagawan ng mga katulad nitong collectors ng Channel kahit may kamahalan ang presyo. Kaya gusto niyang makuha iyon. MASAYANG nag-inuman ang apat habang napag-uusapan ang business nila. Hanggang sa magpaalam si Luke na magbanyo na sinamahan ni Daven. Kabado ito habang nasa loob sila ng restroom at ni-lock ni Daven ang pinto. Napapansin niya kasi na kanina pa tahimik lang na nakikinig at inuman si Daven sa kanila. "Dude, may problema ka ba?" 'di na nakatiis nitong tanong habang magkatabi silang umiihi. "Wala naman. How about you, Payne. May problema ka ba? Or should I say. . . may pinasok ka bang hindi mo dapat pasukin?" makahulugang tanong nito na ikinalunok ni Luke at nahihinulaan nito ang tinutukoy ni Daven. Walang emosyon ang mga mata nitong bumaling kay Luke na hindi makaapuhap ng maisasagot. "I know what you're doing, Luke. Have you already take her innocence?" makahulugang tanong ni Daven dito na naniningkit ang mga mata. Napalunok si Luke na hindi makatagalang makipagtitigan sa kaibigan nito. "Not yet." "Stop flirting with her, Luke. She's too young and damn. She's Chloe's daughter. Inaanak natin iyon, Luke. Ano 'to ha? Nauubusan ka na ba ng babae? Kaya 'yong anak na natin ang kakainin mo?" nagngingitngit ang mga ngiping sikmat ni Daven na nakwelyuhan ang kaibigan nito at naisandal sa pader. "I know it's wrong, dude. Believe me or not? I've tried to avoid her. Pero hindi ko rin kinaya. Hindi ko kaya dahil. . . dahil mahal ko rin siya." "That's bullshit, Luke!" asik ni Daven na malakas itong nasapak sa mukha! Dumugo ang ilong nito na natamaan ni Daven at hindi siya nakailag sa suntok nito. "Lubayan mo 'yong bata! Gusto mo bang patayin ka ni Delta at Chloe ha!?" puno ng galit na sikmat ni Daven dito! Pulang-pula na rin ang mukha nito na nanlilisik ang mga mata. "How can I do that, huh? Siya ang lumalapit sa akin!" pagtatanggol ni Luke sa sarili na muling nasapak ni Daven! "Tarantado ka ba!? Umiwas ka! Lumayo ka kung kinakailangan! Mag-asawa ka na ng lubayan ka na niya! Ikaw ang mas matanda sa inyong dalawa. Kaya gawin mo ang tama, hindi 'yong sinasamantala mo ang kapusukan no'ng bata!" asik ni Daven dito na napapahid sa ilong nitong tumulo ang dugo. "Nagmamahalan kami, Daven. Mahal niya ako. At mahal ko rin siya. I'm willing to marry her anytime." Pagak itong natawa na napailing sa tinuran ni Luke. Nakabulatay pa rin ang galit sa mukha nito. "Hwag kang magpatawa, Luke. Nasasakyan ko ang mga kalokohan mo. Pero ito?" anito na bakas ang kaseryosohan. "Hwag ito, Luke. Hwag siya. Ako na ang nakikiusap sa'yo. Para din ito sa kapakanan niyong dalawa. Hindi rin naman papayag si Chloe sa gusto niyong mangyari. Kaya bago pa mahuli ang lahat. Umiwas ka na." Ani Daven na mas kalmado na ang tono. "Paano ko naman 'yon gagawin ha? Ayoko namang magpakasal sa kung sino na lang d'yan para lubayan niya ako." Saad ni Luke na naghilamos at tumutulo pa rin ang dugo sa ilong nito. "Leave the country." "Ano?" Natigilan ito na napalingon sa kaibigan. Pero kitang hindi ito nagbibiro. "Mamili ka, Luke. Ikaw ang tatapos sa kahibangan mo? O ako?" anito na ikinalunok ni Luke. "Kung hindi mo iiwan si Chelsea? Sasabihin ko kay Chloe at Delta ang nalalaman ko." Pananakot nito. "D-Daven, mahal ko 'yong bata." Saad ni Luke na bakas ang pagsusumamo sa tono at mukha. "At anong gusto mong gawin ko ha? Kunsintihin ko kayo hanggang mabuking nila kayo? At anong susunod? Papatayin ka sa harapan ko. Gano'n ba ang gusto mo?" may kariinang sikmat ni Daven ditong namuo ang luha na nakamata sa kaibigan nito. "Daven, nagmamahalan kami." "Na dapat ay hindi! Dahil hindi kayo pwede! Nakukuha mo ba?" pagalit ni Daven dito na napayukong yumugyog ang balikat. Namuo ang luha sa mga mata ni Daven na naaawa dito. Pero mas nananaig ang takot sa puso nito dahil alam nito kung saan hahantong ang lahat kapag nagkaalaman na. Kilala niya si Chloe at Delta, mabait ang mga itong kaibigan. Pero masama silang maging kaaway. Hindi nila sasantuhin ang sinomang gagalaw sa pamilya nila lalo na sa mga anak nila. At sa sitwasyon ni Luke, tiyak niyang mapapatay ito ni Chloe kapag nalaman nitong inaangkin ni Luke ang anak niyang kaka-eighteen pa lang! Tinapik-tapik niya ito sa balikat na hinayaang umiyak ang kaibigan. Hanggang sa tumahan din ito na naghilamos. Walang imikan silang dalawa na bumalik sa pwesto nila Delta at Chloe. Mabuti na lang at lasing na rin ang mga ito. Kaya hindi nila napansin na umiyak si Luke at namumula ang pisngi. PASADO alauna na ng madaling-araw nang umuwi sina Luke mula sa Bar. Silang dalawa ang naghatid kay Chloe at Delta dahil naparami ng nainom ang mga ito. Si Delta ang inihatid ni Luke at hindi na hinayaan ni Daven na makita pa niya si Chelsea. Naiintindihan naman nito ang punto ng kaibigan niya. Pero iisipin pa lang niya na umalis na muna ng bansa para makaiwas kay Chelsea ay para na siyang pinipiga sa puso. Naiisip pa lang niya ang mga tagpong umiiyak si Chelsea sa gabi na hinahanap siya ay hindi na niya kinakaya. Tumulo ang luha nito na kaagad pinahid. "Hey, are you crying, dude?" lasing na tanong ni Delta na nahimasmasan at humahagulhol ang kaibigan nito. Nakahinto ang kotse nila sa gilid ng kalsada at nakasubsob sa manibela si Luke. Katabi naman nito sa front seat si Delta. "What's wrong? May problema ba?" nag-aalalang tanong nito na makagisnan ang kaibigan nitong umiiyak. "Wala ito, dude." Sagot nito na nagpahid ng luha. Napahinga ng malalim si Delta na matiim na nakatitig dito. "Is it about a girl?" Hindi kaagad sumagot si Luke na nagmanehong muli. Nakamata lang naman si Delta dito na naghihintay ng sagot nito. "I'm going to leave her, dude. Bakit gano'n. Ako 'yong mang-iiwan pero. . . ang sakit-sakit sa puso kong iwanan siya." Wika nito na ikinalunok ni Delta. "Bakit mo naman kasi iiwan?" Napailing ito na mapait na napangiti. "It's too complicated. Sobrang hirap ng huminga habang tumatagal kami. Sa tingin ko ay. . . iyon din ang tamang gawin. Lumayo na muna ako. Bata pa siya. Marami pa siyang mahahanap na mas higit sa akin." Saad ni Luke na panay ang tulo ng luha. "Baka naman pwede pa nating maayos. Sino ba ang babaeng 'to, dude? Tulungan kita sa problema mo." Alok nito na ikinailing ni Luke. "Hwag na, dude. Nakapag desisyon na akong. . . aalis na ng bansa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD