Chapter 11

1717 Words
NAGTUNGO sa Paris si Luke para bilhin ang request ni Chelsea dito na Channel boots. Alam niyang madudurog si Chelsea pero ito na lang ang naiisip niyang paraan para matigil na ang kahibangan niya sa dalaga. Tama naman kasi ang kaibigan nitong si Daven. Pagtakpan man sila nito, darating at darating ang araw na mabibisto sila. Napahinga ito ng malalim na mapasulyap sa paperbag na dala nito. "Would you still be happy if you only know that this is the last gift I'll give to you, sweetheart?" piping usal nito. Hindi niya kayang magpaalam kay Chelsea. Gusto niyang ang mga matingkad nitong ngiti at nagniningning na mga mata ang tatatak sa isipan niya sa huling tagpo nilang dalawa. Hindi niya kayang makitang iiyak ang dalaga at magmamakaawa sa kanya na hwag siyang iwanan. Pagdating nito sa mansion ng mga Montereal, ang kaibigan nitong si Chloe at asawa ang naabutan sa sala. "Napadaan ka, dude?" nakangiting saad ni Chloe na tumayong sinalubong ito at nakipag-fist bump sa kaibigan. "Uhm, magpapaalam lang ako, dude. Saka. . .idinaan ko na rin ang regalo ko sa prinsesa natin bago ako umalis." Wika ni Luke na ikinakunotnoo nito. "Aalis ka?" "Yeah." "Ha? Where? Kailan ka babalik?" magkasunod na tanong ni Chloe na inakay itong maupo. "Baby, can you make coffee for us, please?" "Sure, baby." Sagot ng asawa nito na bumeso sa kaibigan nito bago nagtungo sa dining room. "Uhm, I don't know, dude. Maybe I'm staying there for good." Saad ni Luke na ikinalingon ni Chloe dito. "Ha? Saan, dude? Bakit?" naguguluhang tanong ni Chloe dito na napahinga ng malalim. "I'm not yet sure, dude. I have no exact plan. But one thing I'm sure is. . . I'm staying there for a long." Sagot ni Luke na ikinalamlam ng mga mata nito. "Chelsea will be sad to know you will be gone for so long, dude. Alam mo namang sa inyong lahat na Ninong niya ay ikaw ang paborito ng inaanak mong 'yon." Wika ni Chloe na ikinasilay ng matabang ngiti sa mga labi nitong napasulyap sa paperbag na dala nito para sa dalaga. "Yon na nga eh. Hindi ko alam kung paano magpaalam sa kanya, dude." Sagot nitong tinapik ni Chloe sa balikat. "Won't you change your mind, dude? Magtatampo 'yon panigurado," saad ni Chloe ditong napailing. ILANG minuto pang nag-usap ang magkaibigan bago umakyat si Luke na pinuntahan ang mga bata at nagpaalam. May pasalubong din naman siya kay Chesca at Chaderick. Panghuling pinuntahan nito ang silid ni Chelsea. Kabado pa ito na alam niyang ito na ang huling beses na makikita niya ang dalaga. Dahil sa susunod, baka may asawa na ito o siya. Kumatok ito sa pinto bago pinihit na napasilip sa loob. Napangiti itong makita ang dalagang nasa gitna ng kama nitong payapang nahihirapang. Yakap-yakap pa nito ang bigay ni Luke na teddy bear nito. Lahat ng mga regalo ni Luke sa kanya ay nandidito sa silid niya naka-display. Pumasok ito na maingat ang bawat yabag. Naupo ito sa gilid ng kama na ilang minuto ding pinapanood ang inaanak nitong nahihimbing. "Makakalimutan mo rin ako, sweetheart. I'm sorry I have to leave you. Sana balang araw. . . mapatawad mo ang Ninong sa mga nagawa ko sa'yo. Tama ang Ninong Daven mo, ako ang mas matanda sa ating dalawa kaya ako ang gagawa ng tama. Hindi 'yong sinasabayan ko ang kapusukan mo. I hope and pray you'll find the right guy for you. 'Yong lalakeng mamahalin ka ng nararapat sa'yo. How I wish that guy is me. But we both know. . . I'm not the right one for you." Piping usal ni Luke na marahan itong hinaplos sa ulo. Mapait itong napangiti na hindi namalayang tumulo ang luhang mariing hinagkan sa noo ang dalaga. "I love you so much, sweetheart." Bulong nito na sa huling pagkakataon, hinagkan niya ito sa mga labi bago maingat na niyakap. Mabibigat ang paghakbang nito na lumabas ng silid ni Chelsea. Hindi na niya ito ginising pa at nahihimbing na ito. Iniwan na lang nito ang regalo sa bedside table ng dalaga. Pagkababa nito, tuluyan na rin itong nagpaalam sa mag-asawa. "Mabuti pinakawalan ka, dude." Ani Chloe na magaang niyakap ang kaibigan at tinapik sa balikat. "Sinilip ko lang sila at nahihimbing naman na sila. Hindi ko na lamang sila ginising." Sagot nito na pilit ngumiti sa mag-asawa. "Paano, mauuna na ako. Uhm. . . ikaw na lang siguro ang magsabi sa mga bata kapag napansin nilang hindi ako nagagawi dito, dude." Tumango si Chloe na malungkot na ngumiti sa kaibigan. "Mag-iingat ka doon, dude. Kapag may kailangan ka ay tumawag ka lang. At kung magbabago naman ang isip mo, nakabukas lagi ang pinto namin para patuluyin ka." Wika ni Chloe na inihatid na ito sa garahe. Mapait na napangiti si Luke na nilingon ang mansion kung saan ang silid ng dalaga. "Ingatan mo siya ha?" ani Luke na ikinangiti ni Chloe na inakbayan itong nakamata din sa silid ni Chelsea. "No worries, dude. Hindi ko pababayaan ang prinsesa natin." Sagot nito. "Hwag kang makakalimot tumawag ha?" paalala pa nito. Ngumiti si Luke na kinamayan ang kaibigan at tuluyan na ring sumakay ng kotse nito. "Mag-iingat ka." "I will, dude. Salamat." Malungkot ang mga matang inihatid ng tingin ni Chloe ang kaibigan na tuluyan ng lumabas ng gate nila. Napahinga ito ng malalim na bagsak ang balikat na pumasok ng mansion. Hinintay naman ito ng asawa nito na magkayakap na umakyat ng silid nila. "Pansin mo si Luke? Parang ang lungkot niya. May problema yata ang kaibigan mong 'yon, Chloe." Ani Roselle dito. "Dama ko nga, baby. Pero wala naman siyang sinabi. 'Yon yata ang dahilan kaya aalis na muna siya ng bansa." Malungkot nitong sagot. "Sinabi ba kung saan pupunta? Kung magtatagal siya doon?" tanong ng asawa nitong ikinailing nito. "Hindi nga nabanggit kung saan eh. Ang sabi niya ay baka doon na siya manirahan. O kung babalik man ay matatagalan." Sagot ni Chloe dito. "Inaalala ko lang ang mga bata. Lalo na si Chelsea. Masyadong malapit ang dalaga natin sa Ninong Luke niya. Tiyak na masasakyan 'yon lalo na't close na close sila ni Luke pero heto at aalis na ito ng bansa." Nag-aalalang saad ni Roselle dito. "What should I do? Wala naman akong karapatang pigilan si Luke sa gusto niyang gawin. Alam na ni Luke ang ginagawa niya. Kung lalayo man siya. . .tiyak na may sapat itong dahilan para iwan ang lahat dito." "Paano natin ito sasabihin sa mga bata?" Napahinga ng malalim si Chloe na niyakap ang asawa nito. "Ako ng bahala, baby. Nagabayan naman natin sila ng maayos kaya nakatitiyak akong. . .mauunawaan nila ang Ninong Luke nila." KINABUKASAN, napangiti si Chelsea na mabungaran ang paperbag na may logo ng Channel ang nakapatong sa ibabaw ng mesa nito. Inabot nito iyon na sinilip ang laman at napairit na makitang ang boots na pinapabili niya sa Ninong Luke niya nga iyon! "Oh my God! He buy it nga for me!" impit na tili nito na niyakap ang boots na may malapad na ngiti! Kaagad itong naligo at nagbihis ng school uniform nito excited isinuot ang boots nito na bumagay sa makinis at maputing binti nito. Pagbaba nito ng hagdanan ay tumuloy na ito sa dining room. Nandito na ang mga kapatid nito at siya na lang ang kulang. "Good morning!" masiglang pagbati nito na napakalapad ng ngiti. "Wala si Ninong?" tanong pa nito. Pilit ngumiti ang mga magulang nito na humalik sa kanila ang dalaga at bumati bago naupo sa silya nito. "Wala na siya, sweetie." Sagot ni Chloe na sinenyasan itong kumain na. "Sayang naman. Sinuot ko pa naman ang regalo niya, Dad. I'll take a picture na lang and send to him para makita niyang bagay sa akin at saktong-sakto 'yong size." Sagot ni Chelsea na nagsimula na ring kumain. Nagkatinginan pa ang mag-asawa na tinanguhan ni Roselle ang asawa nito. Napahinga ng malalim si Chloe na napatitig sa dalaga nila. "Uhm, actually, sweetie. Nagpaalam na kasi ang Ninong Luke niyo kagabi eh." Paninimula ni Chloe na ikinatigil ng mga anak nito sa pagsubo. Napatitig sila sa ama nila na nagtatanong ang mga mata. "What do you mean, Dad?" nalilitong tanong ni Chelsea. "Uhm, he already leave the country last night, sweetie. Hinatid niya lang ang regalo niya sa inyo at nagpaalam na." Ani Chloe na ikinatayo nitong mahigpit na napakapit sa kubyertos nito. "You're lying, Dad!" galit na sigaw nito sa ama. "Chelsea anak, sit down. Nasa hapag kainan tayo." Paalala ni Roselle sa anak nitong namumuo ang luha sa mga matang nakatitig sa ama nito. "Tell me you're just kidding, Daddy." Umiling si Chloe na mapait na napangiti. "Why would I joke things like that, sweetie." "Tama ang Daddy mo, anak. Umalis na ang Ninong Luke niyo. Hindi naman niya nasabi ang dahilan. Ang sabi lang niya ay. . . sa abroad na muna siya manirahan." Segunda ni Roselle na ikinatulo ng butil-butil na luha ng anak nilang ikinayuko ni Chloe. Hangga't maaari ay ayaw niyang umiiyak ang mag-iina niya. Kaya para siyang kinukurot sa puso na makita ang paglarawan ng sakit sa mga mata ng dalaga nila na malamang umalis na ng bansa ang Ninong nito. "Why? Why did he left without words? Paano nagawa ni Ninong sa akin iyon? Babalik siya 'di ba? Babalik naman siya dito 'di ba po?" usal ni Chelsea na napahikbi. Tumayo na rin ang ina nito na dinaluhan ang dalaga at niyakap. Maging ang dalawang kapatid nito ay niyakap ang Ate nilang napahagulhol. "Please, Dad. Call him. I. . . I need to talk to him. Ang daya-daya naman ng Ninong. Bakit siya umalis na hindi nagsabi?" humihikbing pakiusap nito sa amang tahimik na umiiyak at nakayuko sa harapan nila. "Hwag na, sweetie. Nahihirapan din ang Ninong niyo na umalis. Mukhang may malaking problema ang Ninong niyo kaya makakabuting hwag na muna natin siyang guluhin. You know your Ninong. He knows what he's doing." Sagot ni Chloe dito na ikinailing nitong patuloy sa pagtangis. "Am I the problem? Ako ba ang dahilan kaya ka umalis?" piping usal ni Chelsea na napahikbing napatitig sa suot nitong boots na hinaplos iyon. "You're so unfair. How can you do this to me? You said you love me but why did you leave me without words?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD