5 YEARS LATER:
"YOU'RE drunk again!"
Umalingawngaw ang bulyaw ni Chloe sa sala ng mansion nila na umagang-umaga. Magdamag itong naghintay sa dalaga nitong umalis na naman kasama ang mga kaibigan at kung saang Bar na naman nagtungo. Pasuray-suray na maglakad ang dalaga na halos madapa sa sobrang kalasingan.
"Good morning, my handsome Daddy. Galit ka na naman." Tatawa-tawang sagot nito na pumipikit na ang mga mata.
"Paanong hindi ako magagalit huh? Limang taon ka ng ganyan, Chelsea! Ever since your Ninong leave the country, you're being stubborn!" pagalit ni Chloe na inalalayan ito at muntik sumubsob sa sahig.
"Is it my fault if I'm miserable now, Dad? It's Ninong's fault. He left me all alone!" sigaw nito na napahagulhol.
Naiiling namang kinarga ito ni Chloe na dinala sa silid nito. Magmula nang umalis ng bansa si Luke, nawala na ang malambing at mabait na Chelsea. Naging pasaway na ito at halos gabi-gabi itong naglalasing. Mabuti na lang at hindi naman niya napabayaan ang pag-aaral. Nakapagtapos pa rin ito bilang c*m laude. Pero mas lalong naging matigas ang ulo nito nang makapagtapos na siya.
Gabi-gabi itong gumigimik kasama ang mga kaibigan. Madalas na rin itong sumasagot sa mga magulang sa tuwing kinokompronta nila Chloe. Ang laki na ng pinagbago nito. Maging sa pananamit ay napaka revealing nitong manamit na ikinababahala nila Chloe at mga Ninong at Tito nito lalo na't sa Bar ito naglalalagi.
Napapasali din ito sa rambulan at kung hindi lang sa connection nilang pamilya ay naranasan na nitong matulog sa kulungan.
"He left me, Daddy." Hikbi nito. "Sinanay niya akong nand'yan siya palagi para sa akin. He makes me feel that I'm special. Pero iniwan niya rin ako. He's not even calling me. It's been five years since he left me but why it's still hurt?"
Hindi sumagot si Chloe na maingat itong inihiga sa kama nito. Tuluyan na ring nakaidlip ang dalaga dala na rin ng puyat at kalasingan. Napahinga ng malalim si Chloe na inasikaso na lamang ito.
Gan'to naman palagi. Umaga na kung umuwi ang dalaga na lasing na lasing. Umiiyak na hinahanap ang Ninong Luke nito. Pero maging sina Chloe ay wala ng balita kay Luke magmula nang umalis ito. Kaya wala itong maisagot-sagot sa anak kapag nagtatanong.
Minsan ay napapaisip na rin si Chloe. Kung bakit gan'to mag-react ang anak niya sa pag-alis ni Luke. At ang dahilan kung bakit umalis ito at hindi na nagparamdam sa kanila.
"You really love him that much. Mas mahal mo pa ang Ninong mo kaysa sa akin na Daddy mo," usal ni Chloe na pinupunasan ang dalaga.
Hindi niya kasi maasahan ang asawa na asikasuhin ito. Dahil hindi kinukunsinti ng asawa niya si Chelsea. Kaya madalas na nagkakasagutan ang mag-ina at napapadalas na ring nasasampal ni Roselle ang anak dahil sa pagsagot-sagot nito. Nadudurog si Chloe sa tuwing nagsisigawan ang mag-ina niya na dati-rati ay napakalambing sa isa't-isa. But everything was changed since his friend's Luke, left them. Hindi naman niya masisi si Roselle dahil malaki na ang pinagbago ng anak nila. Mabuti na lang at hindi sumasabay sa sakit sa ulo nila ang dalawa pa nilang anak.
"Come back na, Ninong. I miss you so much. Maawa ka naman sa akin. I'm waiting for you. My heart's longing for you," usal nito na tumulo ang luha.
Marahang pinahid ni Chloe ang luha nitong tumulo sa kalagitnaan ng pagkakahimbing nito. Na kahit sa pagtulog ay si Luke pa rin ang nasa isipan nito.
"Tahan na, sweetie. Wherever your Ninong is, I'm sure he's okay there. So you should too, sweetie. Nadudurog kami ng Mommy mo na nawala na ang malambing, makulit at masayahin naming anak." Wika ni Chloe na hinagkan ito sa noo.
Kahit nahihimbing na ang dalaga ay tumutulo pa rin ang luha sa nakapikit niyang mga mata. Bakas ang kalungkutan sa magandang mukha nito at wala na ring kakinang-kinang ang mga matang puno ng lungkot.
"Lasing na naman ang anak mo, Chloe."
Nagpahid ito ng luha na marinig ang asawa nito mula sa likuran nito.
"Kapag 'yan nakakuha ng sakit sa pag-iinom? Hwag kang umasang tutulungan kitang alagaan ang anak mo. Kinukunsinti mo kaya lalong tumitigas ang ulo," panenermon ni Roselle dito.
"She's still our daughter, Roselle. Yes, she changed. Pero siya pa rin ang anak natin," sagot ni Chloe na kinumutan ang dalaga.
Naiiling namang nakamata si Roselle sa asawa nitong walang sawang inaalagaan ang anak nila kahit sinasagot-sagot na sila ni Chelsea.
"Yes, she's still our Chelsea. Ang tanong, magulang pa rin ba ang tingin niya sa atin? Ni hindi nga siya nakikinig sa atin at kung makasagot, wala ng utang na loob. Naging bastos at walang galang na 'yang anak mo, Chloe. Sige, kunsintihin mo pa." Asik nito na tinalikuran na ang mag-ama.
Malungkot ang mga mata nitong nakasunod ng tingin sa asawang lumabas ng silid ng anak nila. Napahinga ito ng malalim na pabalang pa isinarado nito ang pintuan.
Bumaling ito sa dalaga na mapait na napangiting hinaplos ito sa ulo.
"I'm still hoping that you will return to being the tender and loving daughter you are, sweetie." Usal nito na hinagkan ang dalaga sa noo bago lumabas ng silid nito.
LUMIPAS pa ang mga araw. Nagpatuloy sa pagiging suwail na anak si Chelsea. Madalas na ring magtalo si Chloe at Roselle dahil kinukunsinti ni Chloe ang dalaga. Na kapag napapasama ito sa rumble ay sinasagip kaagad nito ni Chloe. Kaya lalong lumalakas ang loob nito na gawin lahat ng gusto dahil nakaalalay ang ama nito kahit anong gawin niya.
"Chelsea, do you want to travel abroad?" tanong ni Chloe na maabutan ang anak nitong kumakain mag-isa dito sa dining.
"Ayoko, Dad." Simpleng sagot nito na patuloy sa pagkain.
Sinamahan naman ito ni Chloe na sinabayang kumain kahit hindi siya gutom. Minsanan na lang kasi kumain si Chelsea sa mansion. Kaya kapag natitiyempuhan ito ni Chloe ay sinasamahan niya.
"Bakit naman? It's been five years since the last time na nag-travel tayong pamilya abroad." Wika ni Chloe.
"Wala po akong gana."
Pilit ngumiti si Chloe sa sagot nito na walang kalambing-lambing magsalita.
"Uhm, may balita nga pala ako sa Ninong Luke mo mula kay Daven." Anito na ikinatigil ng anak na napatitig dito.
Ngumiti ito sa dalaga na mabakasan nito ng kasabikan ang mga mata nitong puno ng halo-halong emosyon.
"W-what is it? Is he coming back na po ba, Dad?" nasasabik nitong tanong.
"Yeah."
"Really? When?" bulalas nito na kita ang pagdaan ng kakaibang kinang sa mga mata nito.
"Sa anniversary nila Daven, sweetie. Next week pa." Sagot ni Chloe dito na napalabing nangilid ang luha.
"Is he. . . staying here na po ba?" tanong nito na pasimpleng nagpahid ng luha.
"I'm not sure, sweetie. Pero malay natin 'di ba? Kausapin mo na lang siya sa party ng Ninong Daven mo." Sagot ni Chloe ditong tumango-tango.
"Do you think. . . wala pa siyang asawa, Dad? Limang taon na po since he left." Tanong nito na tumulo ang luha.
Napahinga ng malalim si Chloe na hindi malaman ang isasagot. Ang tipid kasi ng information na binigay ni Daven sa kanya. Ni hindi nito nabanggit kung saan nagpunta si Luke. Kung kumusta na ito. O kung may asawa na ba ito.
"Walang sinabi ang Ninong Daven mo eh. Malalaman natin pagdating ng Ninong Luke mo. Kung single pa rin siya o may pamilya na, sweetie." Anito na ikinalungkot ng mga mata ng anak nito.
"Pagagalitan ka ng Ninong Luke mo kapag nagsumbong ako sa kanya sa mga pinagagagawa mo." Pabirong pananakot ni Chloe dito.
"It's his fault din naman. He left me alone." Sagot nito na nakabusangot muli.
Napangiti si Chloe na kahit nakasimangot na ito, kita naman ang tuwa at kinang sa mga mata niya. Na ngayon lang ulit nakita ni Chloe.
Lumipas ang mga araw at hindi na nagagawi ng Bar si Chelsea. Bagay na ipinagpapa salamat ng ama nito. Nasa mansion lang ito. Nagkukulong sa silid. Sumasabay na rin itong kumain sa kanilang pamilya. Kahit napakatipid nitong magsalita ay masaya ang mag-asawa na hindi na ito lumalabas para maglasing.
"Iba talaga ang dating ni Luke sa anak mo, Chloe. Napapaisip lang ako. Hindi kaya. . . may something sa dalawa kaya ganyan mag-react ang dalaga mo?" ani Roselle habang pinapanood ang mga anak nilang nasa pool at nagkakatuwaan.
"Roselle naman. Ganyan ba ang tingin mo sa kaibigan ko? Don't you get it? Ama ang tingin ni Chelsea sa Ninong niya. Mula bata ang anak natin ay malapit na siya kay Luke. Paanong hindi mamahalin ni Chelsea ang Ninong niyang iyon kung napakalambing at bait nito sa kanya. Spoiled ang anak mo kay Luke mula pagkabata. Kaya mahal na mahal siya ni Chelsea." Saad ni Chloe dito.
"Hindi ko naman sila pinagbibintangan, Chloe. Naisip ko lang 'yon dahil halos sirain na ng anak mo ang buhay niya magmula nang umalis si Luke at hindi na nagparamdam sa atin." Sagot ni Roselle dito.
"Maging masaya na lang tayo, baby. Tignan mo nga ang anak mo, bumabalik na siya sa dati na malamang pabalik na ng bansa ang Ninong niya." Wika ni Chloe na ikinanguso nito.
ISANG umaga bago ang anniversary ng Ninong Daven ni Chelsea ay nagtungo ito ng mall para mamili ng maisusuot sa party. Gusto niyang paghandaan ang muling pagkikita nila ng Ninong Luke nito.
Habang namimili ng maisusuot sa isang boutique shop ay may nakursunadahan itong gown at nakasabayan ang isang supistikadang babae hawakan iyon. Nagkatinginan pa sila at matamis na ngumiti ang dalaga sa kanya.
"Do you like this? I can give it to you if you really like this dress," malambing saad nito na ikinangiti ni Chelsea.
"Yeah. I like this dress." Sagot nito na napahaplos pa sa mga diamond na desenyo ng gown. "Do you think it suits me? I'm attending a party tomorrow. Gusto ko sanang ito ang isuot."
Napangiti naman ang dalaga na napatango-tango. "You're so beautiful. I'm pretty sure this dress suits you." Sagot nito.
"Are you willing to give it to me?" tanong ni Chelsea dito na matamis na ngumiting binitawan ang dress.
"Yeah of course. It's all yours." Sagot nito.
"Aww, thank you. I'm Chelsea, by the way." Anito na naglahad ng kamay sa dalaga.
"Therese. Nice to meet you, Chelsea." Sagot nito na nakangiting inabot ang kamay ng dalaga. "Can we be friends? Wala kasi akong kaibigan dito."
"Sure. Glad to meet you, Therese." Tugon ni Chelsea na matamis nitong ikinangiti.
Sinamahan pa nito ang bagong kaibigan na mamili ng dress na isusuot din nito sa dadaluhang party. Ang sabi ng dalaga ng dalaga ay isasama lang siya ng fiancee niya sa party ng kaibigan na hindi na inusisa pa ni Chelsea.
Magkasama ding nagpa-salon ang dalawa mula ulo hanggang paa na parang matalik na magkaibigan lang kahit bagong magkakilala pa lamang sila. Magaan ang loob nila sa isa't-isa at magkasundo sa lahat ng bagay.
"So, paano? I'll just call you na lang?" ani Chelsea matapos ihatid ang dalaga sa hotel na tinutuluyan nito.
Matamis itong ngumiti na tumango. "Thank you, Chelsea. I enjoy the day with you."
"Me too, Therese. See you again." Pamamaalam nito na bumeso na sa bagong kaibigan.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nag-ayos na si Chelsea ng sarili nito. Bakas ang kasabikan sa mga mata nito na makikita na ang Ninong Luke nito, matapos ang limang taon nilang pagkakalayo. Marami siyang katanungan na si Luke lang ang makakasagot.
"Is this what you're going to wear, sweetie?" tanong ni Chloe sa anak nitong inaayos ang sarili sa harapan ng vanity mirror nito.
"Yes, Dad. How is it po? Maganda po ba?" tanong nito na ikinangiti ng ama.
Isang maroon off shoulder long dress iyon na puno ng kumikinang na diamond ang disenyo. Napanguso ito na mapansing ang taas ng slit nito sa left leg.
"Is it too revealing, sweetie?" tanong nito sa anak.
"Hindi po ah. Sakto lang, Dad."
Hindi na umapila pa si Chloe at ayaw niyang masira ang magandang mood ng dalaga.
"Do you need help?"
"I'm almost done, Dad. Thank you." Sagot nito na ikinatango ng ama.
"Okay, we'll just wait you downstairs, hmm?" pamamaalam ni Chloe dito na tumango.
Matapos mag-make-up at ayusin ang pinakulot nitong buhok kahapon ay nagbihis na ang dalaga. Paikot-ikot ito sa harapan ng salamin na sinusuri ang kabuoan. Kahit napakaganda niya at bumagay ang suot na dress ay parang hindi ito kuntento sa ayos nito. Nakukulangan pa rin siya sa kaisipang magkikita na sila ng Ninong niya.
"Chelsea, aren't you done yet?" tanong ni Chaderick na kapatid nito.
"I'm coming, duh?" ingos nito sa kapatid na muling nag-spray ng favorite perfume nito at inabot na ang pouch nitong katerno ng suot na gown.
"Ang tagal mo," ingos ng kapatid nito na inabot ng dalawang oras sa pag-aayos ang dalaga.
Inirapan nito ang kapatid na nagpatiunang bumaba ng hagdanan. Naghihintay naman ang mga magulang nila sa sala at ang bunso nila na nakaayos na rin.
"You look stunning, sweetie." Wika ni Chloe na sinalubong itong matamis na napangiti.
"Thank you, Dad. You too. Ang gwapo mo po tonight." Tugon nito na yumapos na sa braso ng ama.
"Tonight lang?"
"Everyday po."
"Smile, sweetie. You look tense." Wika ni Chloe na pinagbuksan ito ng pinto.
Nakasunod naman ang mag-iina nito sa kanila. Napabuga pa ito ng hangin na pilit ngumiti sa ama.
"I'm just nervous, Dad. It's been a while since the last time I saw him. Natatakot lang po ako na. . . na baka nagbago na si Ninong."