PAGDATING nila ng mansion ng mga Smith kung saan gaganapin ang party, marami-rami na ring bisita ang nagsisidatingan. Naging abala na rin ang Mommy at Daddy ni Chelsea na nakipag-usap sa mga kakilala. Kaya nagsolo na muna ito sa sulok na may iniinom na red wine. Kabado ito na nasasabik sa muli nilang pagkikita ng Ninong Luke nito. Natigilan ito sa pagtungga sa wine glass nito na may bumungad na pamilyar na mukha sa entrance. Nangunotnoo pa ito na pinakatitigan ang bagong dating na dalaga. Mag-isa ito na napapalinga sa paligid. "Therese?" usal nito. "What is she doing here? Kakilala niya ba sila Ninong Daven? Dito ang party na tinutukoy niya kahapon na dadaluhan?" usal nito. Inubos nito ang lamang wine ng baso na sinalubong ang dalagang palinga-linga. "Therese, I didn't know na di

