"DON'T marry her. I'm begging you, Ninong." Pakiusap nito sa Ninong nito na nag-iwas ng tingin. Napatitig ito sa Ninong nito. Kung panlabas na anyo lang ay walang nagbago dito. Ngunit paano sa puso nito? May nagbago ba sa paglayo nito? "D-do you love her?" tanong nito na umaasang iiling ang Ninong nito pero. . . marahan itong tumango na ikinatulo ng luha nito. "You love her," anas nito na puno ng pait ang tono. Napayuko ito na napahikbi. Hinayaan lang naman ito ni Luke na umiyak hanggang kusang tumahan. Pulang-pula na ang mukha nito at namumugto ang mga mata at sinisinok sa pagod sa pag-iyak. Bumaba ito ng kotse na tulala. Hinayaan lang naman muna ito ni Luke sa pag-aakalang lalanghap lang ito ng sariwang hangin. Bumuhos ang ulan na ikinaalarma nito na napababa na makitang naglaho

