KINABUKASAN ay pinayagan ng makauwi si Chelsea at tuluyan ng nawala ang lagnat nito. Natutuwa din ang mag-asawang Chloe at Roselle na makitang napakasigla at aliwalas ng mukha ng dalaga. At alam naman nilang dahil iyon sa Ninong Luke nito. "Ninong, you're staying here for good naman na 'di ba?" tanong ni Chelsea habang nasa byahe na sila pauwi ng mansion. Kasama nila sa kotse ang mga magulang ni Chelsea. Nasa harapan ang mag-asawa at si Chloe ang nagmaneho. Nakayakap naman si Chelsea sa Ninong nito na katabi niya sa backseat. "Uhm, yeah. Nagkaproblema din kasi sa kumpanya kaya kailangan ko na itong tutukan." Sagot ni Luke na ikinalapad ng ngiti nito. "Tutukan mo na muna ang kumpanya mo, Ninong. Iposponed mo na muna ang pagpapakasal mo," saad nito na ikinaubo ng Ninong at ama nito.

