NAG-INIT ang mukha ni Luke na napatuwid ng upo at tikhim. Dahan-dahan namang nagdilat ng mga mata si Chelsea. "Where are we, Ninong?" mahinang tanong nito na naigala ang paningin. Napangiwi ito na tuluyang nagising ang inaantok nitong diwa na malingunan ang mga magulang nitong kasama nila dito sa silid. "Mom, Dad, nasaan po tayo?" tanong nito. Pilit ngumiti si Chloe na hinaplos ito sa ulo at mariing hinagkan sa noo. "Hospital, sweetie. Magdamag kang inaapoy ng lagnat," sagot ni Chloe dito. "Really po?" Napapilig pa ito ng ulo na napaisip. Hindi niya kasi matandaan na nilagnat siya kagabi. Huling natatandaan niya ay ang nasa kotse sila ng Ninong niya at sobrang nilalamig ito na kalauna'y nakaidlip. "You don't remember it? Ilang beses kitang ginising at pinainom ng gamot buong

