Chapter 8

1364 Words
Emma's Point Of View We had a great time that night, pero napapansin ko ang pagiging tahimik ni Lily. Hindi ko na lang inusisa pa iyon dahil aniya'y sasabihin niya rin naman kung ano ang problema niya. Hindi ako uminom ng gabing iyon dahil kailangan ko pang umuwi sa bahay, gano'n din si Lily but the twins, hindi na namin sila napigilan kaya hindi sila sumabay sa amin umuwi. Bumaba ako nang magising ako at naabutan ko sina Mom and Dad sa kusina na kumakain. They're both wearing their office suits, dahil kahit na sunday ngayon at kakauwi lang nila from their business trip ay nagtatrabaho pa rin sila. "You came from a party last night but you didn't told us," pambungad sa akin ni Dad, he's holding a cup of tea on his right hand habang may binabasa itong paper sa kabila. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin pero alam kong ramdam nito ang presensiya ko. "Because you're busy. Hindi ko na kayo naabutan kahapon para sana magpaalam," sabi ko. Ganito na ako makipag-usap sa kaniya. Umupo ako sa harap ni Mom, she's busy eating her breakfast. Kumuha na rin ako ng pagkain at inilagay iyon sa aking plato. Nagpatimpla rin ako ng kape para magising ako dahil hindi sapat ang tulog ko kagabi. "We're your parents, Emma. Tell us were you going para 'di kami mag-aalala sa 'yo." Natigilan ako at inangat ang tingin upang ibaling sa kaniya, he's now looking at me. "I'm sorry. Don't worry, hindi naman ako gumawa ng gulo at uminom," malumanay kong sagot. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi na ito nagsalita pa at tinapos na ang pagkain. Naiwan akong mag-isa ng matapos sina Mom and Dad dahil kailangan na nilang umalis para pumasok. Tinapos ko na rin ang pagkain at agad akong umakyat sa aking kuwarto. Napatingin ako sa aking cabinet nang mapansin ko ang jacket at blanket na galing kay Dark. Nakabukas kasi ang cabinet ko at mapapansin mo agad iyon pagpasok mo pa lang sa kuwarto ko kaya do'n natunton ang pansin ko. Kinuha ko ito at lumapit sa kama. Pinagmasdan ko ang mamahaling jacket at ang blanket na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalabhan ngunit hindi naman nawawala ang amoy mula roon. It's been a week since the last time I go there and talk to that stranger whose name is Dark. But his deep voice was so familiar to me. Kaya sa tuwing may naririnig akong malalim at seryosong tono sa paligid ko'y napapalingon ako. Hinahanap-hanap ng pandinig ko ang boses nito, maging ang amoy ng jacket na 'to ay familiar din sa akin. "Who are you? Why are you keeps making my heartbeat fast?" Para akong siraulo dahil sa tinatanong ko ang jacket at blanket na hawak-hawak ko. I even smelled it again. "I will do everything I can to make you show yourself," sabi ko, buo ang loob na alamin kung sino ba si Dark. My curiosity kills me. Pati ang abandoned park na iyon ay pamilyar na pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman maalala kung kailan ba ako nakapunta roon, except that night where I met him, noong time na tumakas ako. Ibinalik ko na iyon sa aking cabinet. Kumuha ako ng tuwalya at pumasok sa aking banyo upang maligo. – "Nasaan na iyong dalawa?" tanong ko kay Lily. We decided to meet today pero kanina pa kami nakarating ni Lily sa meeting place ngunit wala pa ang kambal. Masasabunutan ko talaga ang dalawang iyon, aalisin ko ang mga bangs nila sa buhok kapag nakarating sila rito. "They're on their way here," sagot nito. She's looking at her phone dahil ka-text nito si Vien, tinatanong kung nasaan na sila. "On their way my ass! Ang sabihin nila, maliligo pa lang sila." Pinaikot ko ang mga mata ko at sumisip sa milk tea na binili namin. "Hayaan mo na sila, ang mahalaga ay nandito ka." Tumingin ako sa kaniya, she's looking at me also. Ang mga mata nito'y tila may gusro siyang sabihin ngunit may pumipigil naman sa kaniya. Kaya rin kami nagkita ngayon ay dahil tumawah sa kanina nang matapos akong maligo. Mayroon daw siyang importanteng sasabihin sa amin kaya nagmadali akong pumunta rito. "Ano ba iyong sasabihin mo?" tanong ko. Bumuntong-hininga siya at umiwas ng tingin. "You know my parents, right?" Tumango ako. Siyempre kilala ko ang parents nito dahil minsan ko na silang nakita pero 'di lang close kahit na kababata ko si Lily. Her parents was busy with their business and no time for staying in their house, kaya madalas noon na sa kanila ako natutulog when we were in high school. "What about them?" tanong ko, kumunot din ang noo ko. Alam ko kasi ay wala naman siyang problema sa mga magulang niya. Pabor pa nga sa kaniya ang palaging busy ng mga parents niya dahil hindi nila pinapakialam ang ginagawa ni Lily. Unlike my parents, specially my Dad, busy pero may time sa akin kapag nakagawa ako ng mali na hindi naman ako ang may kasalanan. "They're planning to arrange a marriage for me," sabi nito. Lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Ano raw? Arrange marriage? Uso pa pala iyon sa panahon ngayon? "W-With Whom?" "I don't know..." Tumingin ito sa akin. "And I don't want to know. How can I marry a man that I don't love and I don't even know who the fck he is?!" Mas lalo akong nagulat sa pagmumura ni Lily, malutong na malutong ang mura nito. "H-Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Uso pa rin pala ang arrange marriage ngayon? I can't believe. What's their reason?" I asked, bumuntong-hininga rin ako. "Merging their company with their business partners. They're so heartless! Ni hindi nila ako tinanong man lang kung papayag ako o hindi, basta lang sinabi ni Papa na ipapakasal ako and it's final." "At ano ang plano mo ngayon?" "Hindi ko alam. Hihintayin ko na lang muna kung sino iyang lalaking pakakasalan ko before planning to escape this. Ayokong makasal sa iba dahil sa crush ko lang ako magpapakasal." At nakuha niya pang magbiro sa kabila ng mga problemang kinakaharap niya. Well, I can't blame her and those people na imbes na intindihin ang problema ay mas gusto nilang tawanan ito. Siguro ay sa gano'ng paraan ay nakakalimutan nila panandalian ang kanilamg problema. "Okay-okay. Just tell us what's your plan, tutulungan ka namin." I smiled at her. Hindi ko pababayaan si Lily, we're friends for a long time. And I won't just stand there looking at her dealing with her problems. Kung ano man ang maitutulong ko sa kaniya ay gagawin ko and I know that if I will be in her shoes, tutulungan din niya ako. "Thank you, Emma," sabi nito, ngumiti at nakita ko ang sinseradad doon. "What are friends for, right?" We laughed. Hindi na namin pinag-usapan pa iyon at mas pinili rin namin na itago muna sa kambal ang problema nito, dahil kilala namin ang dalawa na gagawa ng paraan para malampasan ang problema agad-agad. We'll just wait for the right time to plan, dahil hindi puwedeng magpadalos-dalos kami, baka magbago pa ang isip ng parents ni Lily. Ilang saglit lang ang hinintay namin ng dumating ang dalawa. Tinarayan ko sila nang maupo ito sa kabila, dahil lumipat si Lily sa tabi ko. "Oh, ano'ng gagawin natin dito ngayon? Wala namang guwapo." Humihikab na sabi ni Vien. "May nakita akong bagong bukas na store sa mall, wanna take a look?" Tumingin sila sa akin. "Galing ako roon kanina dahil may binili ako," sabi ko. "Then..." Tumayo si Ivy. "Let's go! Ano pang hinihintay niyo? Baka maubos ang mga bags and everything there!" Eksaheradang naglakad ito bitbit ang bag niya at lumabas ng café. Nagkibit-balikat na lang kaming tatlo at sabay-sabay nang lumabas ng café. Kilala namin si Ivy na mahilig itong mag-shopping kaya sa tuwing may bagong bukas na store or sale, she's always there to buy whatever she likes. Sakay ng kani-kaniyang kotse ay sabay-sabay na kaming umalis sa café at pumunta sa isang mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD