Emma's Point Of View
It's been two days simula nang sumulpot sa harapan ko itong si Paxton. Sa loob ng dalawang araw na nakilala ko siya at nakipagkaibigan sa akin, he's been following me every day.
"What are you doing here? Wala ka bang klase?" tanong ko dahil nasa harapan ko na naman ito.
Hindi ko alam kung ano ang intensiyon niya sa akin, although it's obvious but I wanted to clear everything. Baka gusto lang talaga niyang makipagkaibigan sa akin o sa amin.
"You're always harsh to me," anito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano'ng harsh sa pagtatanong aber?"
Umupo ito sa upuan nasa kabilang side nitong sementong mesa. Ako lang ang nandito ngayon dahil ang tatlo kong kaibigan ay pumunta sa canteen upang bumili ng pagkain. Hindi na ako sumama pa dahil ako ang magbabantay sa mga gamit nilang iniwan nila rito.
"Palagi na lang masama ang tingin mo sa akin at pinagtatabuyan mo 'ko. We're friends, right?"
"Yes! Pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na kita puwedeng tingnan ng masama at taasan ng kilay." Inirapan ko ito.
"O-Okay." Awkward siyang tumawa kaya hindi ko na lang pinansin. "Are you free this weekend?"
Napatingin ako sa kaniya. Napakamot siya sa kaniyang batok. Parang nahihiya siyang itanong ang tanong nito kanina.
"I am, why?" tanong ko.
Wala naman akong gagawin ngayong darating na weekend. Wala rin akong narinig na plano nina Ivy.
"I have a party to attend, me my friends rather. And, I would like to invite you to come with me, you can also ask your friends to join."
Walang pagdadalawang-isip akong tumango sa kaniyang alok. I just really love going at the parties, pero 'yung party na pinuntahan ko with my parents ay hindi ako masyadong nag-enjoy. Puro lang matatanda ang naroroon.
"Sure!" sagot ko. "See you on Saturday?" Ngumiti siya at tumango.
We exchanged number para na rin daw may-contacts kami sa isa't isa bago siya umalis at bumalik sa kaniyang klase.
Dumating na rin naman sina Ivy bitbit ang mga binili nilang pagkain. Sinabi ko sa kanila ang sinabi ni Paxton and they're happy to hear about the party.
Dumating ang sabado. Nasabi rin naman ni Paxton ang address and all I have to do was to go there exactly 8 in the evening.
Saktong may business trip sina Mom and Dad today at bukas pa ang uwi nila kaya hindi na ako nagpaalam pe. Kaya nang sumapit ang oras ay sumakay na ako sa aking kotse and headed my way to the party.
I am simply wearing a nude color dress. Hapit ito sa katawan ko kaya kita ang hulma nito. A pair of heels and a bag na naglalaman ng aking cellphone and lipstick.
Nakarating ako sa lugar at saktong dumating din ang tatlo kong kaibigan, sakay ng kani-kanilang kotse.
Ivy wearing her green dress, Vien in red dress and Lily's also wearing a nude color.
Sabay-sabay na rin kaming pumasok sa loob. Bumungad sa amin ang mga ka-edad lang namin na may kaniya-kaniyang ginagawa. Nasa isang bahay kami at dito pa lang sa labas ay ang wild na ng eksena.
"I guess, this is not just a typical party. Parang s*x orgy, 'to!" bulong ni Ivy.
"Gaga! Huwag mo na lang pansinin. Nandito tayo para makisaya at makisama. Hindi para lumandi kung kani-kanino," Lily's said.
Hindi na lang kami sumagot at agad na kaming pumasok sa entrance nitong bahay kung saan nakatayo pala si Paxton with two guys on his side.
"Welcome, girls! By the way, this is John and this is Paul. Guys, they're Emma, Lily, Vien And Ivy," pakilala nito sa mga kasama.
I just smiled. Sina Ivy naman ay nakipagkamay sa kanila at walang pag-aalinlangang sumama ang dalawang magkambal sa mga kaibigan ni Paxton.
"Hey, where are you two going?" Tinaasan ko sila ng kilay.
Ngumiti si Ivy. Nakahawak naman sa baywang niya si John habang nakaharap sila sa amin. "Well, we're just enjoying the night, Emma. You should also, bye!"
Hindi na ako nakasagot pa ng mawala sila sa paningin namin. Pumasok sila sa mismong bahay, o kung bahay pa ba ang tawag sa ganitong lugar. I never thought na ganito ang bubungad sa amin dito.
"Make sure that my friends are safe with your friends. Baka 'di lang masamang tingin ang makuha mo sa akin!" Binalingan ko ng tingin si Paxton.
Itinaas nito ang magkabilang kamay na tila ba sumusuko na siya. Awkward din siyang tumawa but his facial expression was telling me assurance in everything.
"Don't worry, they're safe. I know my friends," sagot niya.
"But I don't know them," sabi ko.
Tahimik lang si Lily sa tabi ko pero alam kong ganito rin ang sasabihin niya. We know each other well.
"Okay-okay. I, promise, walang mangyayaring masama sa kanila." Ngumiti siya.
Bumuntong-hininga na lang ako at tumingin kay Lily. "Let's go?" Tumango lang ito.
"Tara sa loob, nagpa-deliver kami ng maraming pagkain." Sumunod na kami papasok.
Kung sa labas ay wild ang ginagawa ng iba na halos maghubad na sila roon, dito naman sa sala ay mga abala sa pag-iinuman lang. Nakita ko rin ang kambal na kausap iyong mga kaibigan ni Paxton while holding a drink on their hands.
May naririnig din akong ingay ng musics na wala sa tono ngunit beat lang. Sa tingin ko ay sa swimming pool area nila iyon dahil may nakita akong pumasok dito na babaeng nakasuot lang ng two piece.
"Kanina ka pa tahimik?"
Nakaupo na kami rito sa isang pabilog na mesa, kasama ko lang si Lily and she's silent. Hindi naman siya ganito kaya nakapagtataka lang na hindi man lang siya nagsasalita.
Umalis na muna saglit si Paxton upang kumuha ng pagkain.
"May iniisip lang ako," sabi niya at tumingin sa mga taong nasa sala, abala sa kanilang ginagawa.
"Ano ba iyon?" tanong ko.
Sa loob ng maraming taon kaming magkasama ni Lily, I never saw her like this. Kilala ko siya pero kadalasang maingay at mapagbiro, she also never hide a secrets at gano'n din naman ako sa kaniya.
"I'll just tell you if I'm ready. I'm sorry," sabi nito. Bumuntong-hininga siya pagkatapos at mapaklang ngumiti sa akin.
I sighed and smiled at her. I respect her decision for not telling what's in her mind.
Hihintayin ko na lang ang araw na sabihin niya kung ano ang bumabagabag sa kaniyang isipan. I know, she will tell me but for now, hahayaan ko na muna siyang ihanda ang kaniyang sarili.