Emma's Point Of View
Lumipas ang dalawang linggo and finally ay makakabalik na ako sa University. Nagpakabait ako nitong mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmuk sa sariling kuwarto at manood ng iba't ibang movies.
"Good morning!" bati ko nang makapasok ako sa kusina. Wearing my school uniform.
Naabutan ko sina Mom and Dad. As usual, nagbabasa na naman sa diyaryo ang aking ama. Si Mom lang ang bumati sa akin nang makalapit ako't umupo sa kaniyang harap.
"You looked happy today, Emma," puna sa akin ni Mom.
I sweetly smiled at her. I just couldn't help myself but to smile genuinely.
Sa loob ng dalawang linggo kasi ay hindi nila alam na palagi akong tumatakas tuwing gabi para lang makapunta sa abandonadong park. I was there until the sun will rise.
Sa gabi-gabing pumupunta ako roon para lang makausap si Dark. Hindi ko namamalayan na nakangiti ako habang nakaupo sa swing at palinga-linga kahit na puro dilim lang ang nakikita.
At first I was just giving his things back. 'Yung kumot at jacket na pinahiram nito pero hindi niya kinuha. He said, I can used those things kapag gusto kong pumunta roon.
Hindi ko maintindihan pero sa tuwing magkausap kami, tila ba kilalang-kilala ako nito at kapag tinatanong ko naman siya tungkol sa kaniyang buhay, hindi niya ako sinasagot.
"Emma, don't make trouble again or else you're going to suffer," pagbabanta ni Dad.
"Yeah," simpleng sagot ko at lumabas na sa kaniyang kotse.
Hindi ko feel magmaneho ngayon kaya nakisakay na lang ako sa kaniya na saktong sa University ang kaniyang daan papunta sa company.
Nang makapasok ako sa University ay inilabas ko ang cellphone ko at nag-text kina Lily na nandito na ako sa school.
"Hi, young lady." Napaangat ang ulo mula sa pagkakatungo at tumingin dito. Nakangisi siyang nakatingin sa akin. He's also wearing his school uniform, he's engineering based on the badge on his white polo.
Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa.
"What do you want?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Nakatayo kaming pareho rito malapit sa building namin. Kanina pa sana ako nakarating sa classroom kung hindi lang niya ako hinarang.
"You," sagot niya. A playful smirked plastered on his face.
"I'm sorry but I'm not available. I don't play with jerks," sagot ko.
Naglakad na ako upang lampasan ito. Napansin ko kasing kanina pa kami pinagtitinginang dalawa. Sino bang hindi mapapatingin kung ang isang Fierce Paxton Rodriguez ang kasama mo?
"Gusto mo pala nang habulan. I'll give you what you want," sabi nito.
Tumigil ako at lumingon sa kaniya. He's standing in front of me with so much confidence in his aura. Well, he's handsome but he's not my type.
"You know what, you're handsome. But to tell you honestly, I don't like. Kaya pasensiya ka na, kung pagiging magkaibigan ang gusto mo. I'll give you that," sabi ko.
Malinaw pa sa tubig ng nature's spring ang intensiyon nito sa akin. Hindi ako manhid kaya habang maaga pa ay sasabihin ko na sa kaniya ang totoo.
Sa party pa lang noong nakaraan ay alam ko na ang gusto nito. He's just going to play with me, itutulad niya lang ako sa mga babae niya dahil sa tingin ko pa lang ay isa na siyang babaero.
"You're so mean, Emma."
"I know! Kaya tigilan mo na ako," sagot ko.
"You're the girl..." Kumunot ang noo ko pero hindi ako nagsalita. "Kaya huwag kang umasa na titigilan kita, I'll make you mine."
Naguguluhan akong napatingin kay Fierce na tinalikuran ako. Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin. Pero isa lang ang nasisiguro ko sa sinabi nito, hindi ako nito titigilan ayon sa kaniya.
"Hoy!" Walang buhay akong lumingin sa kaniya. "What happened to you?"
"Nothing, Lily." Tumingin ako sa binili kong pagkain. Ewan ko ba bakit nawala ako ng gana bigla.
"Wala? Pero kanina ka pa nakatulala riyan? Ano'ng nangyari ba roon sa stranger in the dark mo?"
"What?!" sabay na sabi ng kambal.
Nasa canteen kaming tatlo. Kakatapos lang ng morning class namin at dito namin naisipang kumain ng lunch dahil wala kaming oras kung lalabas pa kami ng campus.
Inangat ang tingin at ibinaling iyon sa kambal at kay Lily. Halata sa mukha ng dalawa ang gulat. Hindi pa pala nila alam ang taong nakilala ko sa abandoned park. That guy named Dark.
"Yes! May nakilala raw siyang lalaki sa isang abandonadong park at hindi niya nakikita ang itsura nito dahil nasa dilim ito nagtatago. Ewan ko ba, kung bakit may ganiyang effects pa!" pagkukuwento ni Lily.
"Baka naman may masamang balak iyan sa 'yo, Emma?" Vein said.
"Or maybe someone who has crush on you tapos sinusundan ka? Katulad niyang si Paxton na kanina pa nakatingin sa 'yo," sabi naman ni Ivy na nakatingin sa kabilang dako.
I followed her gazed and there I saw that Paxton looking at us, particularly sa akin siya nakatingin. May ngisi sa labi nito at biglang kumindat nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya.
"OMG! He winked at you, Emma!" eksaheradang reaksiyon ni Ivy.
Mabilis akong umiwas ng tingin nang tumayo ito bitbit ang pagkain nito sa isang asul na tray.
"And he's coming here," sabi naman ni Lily na nakatingin din pala kay Paxton.
We're sitting in a square shaped table. Kasya ang anim na tao rito. Kaharap namin ni Lily ang kambal.
"Hi, can I sit here?" Hindi ko ito pinansin nang makita ko sa peripheral vision ko ang bulto niya.
"Sure thing!" sagot ni Lily.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit wala iyon nagawa nang ngisian lang niya ako. Hindi na rin ako nakapalag dahil naupo na si Paxton sa tabi ko at inilapag ang pagkain nito sa mesa.
Ibinaling ang tingin ko kay Paxton na nakatingin na rin pala sa akin.
"Why are you here? Hindi ko ba nalinaw lahat sa 'yo?" tanong ko.
"Ano'ng nilinaw mo, beh?" naguguluhang tanong ni Vien. Well, she's always like that.
"It's not really my intention to... you know." Nagkibit-balikat siya. "I just wanted to be friends with you. Gusto ko lang na makilala mo ako, para hindi mo ako husgahan agad."
Nagulat ako kaya hindi agad ako makapagsalita. Wala akong makuhang kahit na anong salita ang puwede kong sabihin sa kaniya dahil nahiya ako.
Nahiya ako na may tama siya, hindi ko dapat siya hinusgahan agad dahil hindi ko naman siya lubos na kilala. Binase ko lang ang mga nasabi ko dahil sa nakikita ko sa kaniyang mukha.
"I-I'm really sorry. S-Sure, you can be friends with us," sagot ko at mabilis na umiwas ng tingin.