Emma's Point Of View
One hour had passed. Naririto pa rin kami sa kinauupuan namin. Ang iba'y nasa gitna nitong place and they're dancing, kahit na ang iba sa kanila ay matatanda na.
Kanina ay ipinakilala rin ng host kung sino-sino ang nag-sponsor sa party na ito. Kaya nakilala ko rin ang lalaking iyon na kanina ay nakatingin sa akin.
Dark Raven Rodriguez. Panganay na anak ng mag-asawang Rodriguez. He has this something strange na nagpapabilis ng t***k nitong puso ko.
"Uhmm. Magbabanyo lang ako," sabi ko sa tatlo.
Tumango lang sila at tinuloy ulit ang pag-uusap. Pinag-uusapan nila ang panganay na anak ng Rodriguez, that Raven guy who has fierce eyes. Crush na crush daw ito ni Lily dahil sa pagiging misteryoso niya.
Mabilis kong nahanap ang banyo dahil nagtanong na rin ako sa isang waiter na nakasalubong ko. Nang makarating ako roon ay agad akong pumasok sa loob. May naabutan akong dalawang babae ang nakaharap sa salamin, nagre-retouch silang dalawa while talking to each other.
Pumasok ako sa banyo nang hindi nila ako napansin. Naririnig ko ang pinag-uusapan nila kaya tahimik lang ako rito sa loob.
"Did you saw Raven kanina, girl?" sabi ng isa sa kanila.
"Yes! And fck, he's hot though he's still wearing a three pieces suit. Pero parang nakakalaglag panty na ang mga tingin nito!" eksaheradang sagot naman ng kasama.
"True! Sana nasa labas pa rin siya. Hindi ko na siya nakita nang ipakilala silang pamilya, eh."
"Sana nga. Lalandiin ko kapag nakita ko pa siya ulit."
Tumawa silang dalawa. Sakto namang natapos ako at lumabas ng cubicle. Wala na iyong dalawa sa loob kaya lumapit ako sa harap ng salamin.
Strange. There's really something strange about that Raven guy. Totoo iyong sinabi ng dalawa na hindi na ito nakita pa matapos siyang ipakilala ng host kanina. Baka umuwi na o baka may natipuhang babae at inuwi.
Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako nang may lalaking nakasandal sa pader malapit sa pinto. Nang marinig nito ang pagbukas ng banyo ay tumingin siya sa akin.
"Yown! Lumabas ka rin sa wakas. Auhmm, hi?" Kumunot ang noo ko.
"Who are you?" tanong ko. Tuluyan na akong lumabas ng banyo.
Medyo madilim dito kaya hindi ko nakikita ang kabuuan ng mukha niya. Naglakad ako hindi para harapin siya kundi upang lampasan ito ngunit mabilis siyang humarang sa dinaraanan ko.
"Don't you know me?" tanong nito.
Pinaningkitan ko siya. Pero hindi ko masyadong naaninag ang kaniyang itsura.
"Hindi. Magkakilala ba tayo? May utang ba ako sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong. Napaka-feeling close naman kasi nito.
"Where actually schoolmates."
"Okay," simpleng sagot at hinawi nito upang makaalis sa hallway na iyon papuntang banyo.
"Emma, wait!" Mabilis akong napalingon sa kaniya. Saktong nasa may tapat kami ng ilaw kaya nakita ko ang kaniyang itsura.
Siya iyong isa sa anak ng mga Rodriguez. I don't remember his name dahil nakatuon lang kanina ang pansin ko kay Raven.
"How did you know my name?" tanong ko dahil nakakapagtakang kilala niya ako. Samantalang ako ay hindi ko naman siya kilala.
"You're quite famous in University for being troublesome. I got curious about you, so I am hoping that we can be friends."
Natatawa ako dahil kilala pala ako bilang mahilig sa gulo. How many times do I have to say na gulo ang lumalapit sa akin at hindi ko naman iyon gusto?
"Journalist ka ba sa school?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "What? No! Why?"
"Ahh, akala ko kasi journalist ka ng school kasi..." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi naman nalalayo ang itsura nito sa Raven na iyon pero itong tao ay mukhang cool lang. Cool-ang sa pansin. "Kung alamin mo ang buhay ko ay parang gusto mong isulat sa newspapers ng school."
Tumalikod na ako at hindi na siya hinintay pang makasagot. Naiinis ako sa mga katulad niya na pinapakialaman ang buhay na mayroon ako.
Hinanap ko ang mga magulang ko. When I saw them, lumapit ako at nakita naman ako ni Mom.
"Mom, I wanna go home," sabi ko.
Ayoko na rito dahil hindi na ako nakakaramdaman ng kasiyahan. Para lang naman sa matatanda ang lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang isama ang mga anak nila kung high school reunion pala itong party?
"But–"
"You can go home. We're still talking about business." Tumingin ako kay Dad na siyang nagsalita.
"O-Okay." Umalis na ako roon. Hindi na rin ako bumalik sa puwesto nina Lily dahil agad akong lumabas sa lugar na iyon.
Magte-text na lang akong nauna na akong umalis. I know they'll understand that.
Madilim na sa labas. Medyo malamig din ang simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Trying to heat up my body from the cold wind. Wala akong dalang hoody dahil sinong magdadala ng jacket sa isang party?
Mabuti na lang dahil may agad na humintong taxi sa harapan ko at doon na ako sumakay.
Actually, hindi ko pa naman gustong umuwi. I just really wanted to go far from that place. Hindi ko alam pero nawalan ako ng gana. Kaya imbes na sa bahay ko patigilin ang taxi driver ay pinahinto ko ito sa madilim at abandonadong lugar.
"Ma'am, dito po kayo nakatira?" tanong ng driver.
"Why? Is there any problem with that?" mataray kong tanong dito. Kailangan pa ba niyang pakialaman kung saan ako nakatira?
Bakit may mga ganitong tao sa mundo. Lahat na lang ng gawin mo o gagawin mo pa lang ay kailangan may maibabato silang tanong? Why don't they just mind their own businesses?
"Ah, wala po." Hindi ko na siya sinagot pa dahil agad na akong nagbayad at bumaba.
Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch na dala ko at pinailaw ko iyon upang makita ang daan papunta sa swing kung saan ako noon naupo.
"Hey! Are you there?" medyo malakas ang boses ko. But only crickets who replied to my question. "Wala siguro siya rito," sabi sa sarili at naupo sa swing.
Saktong namatay ang cellphone ko. Pagtingin ko'y lowbat na pala. Naiinis kong ibinalik iyon sa pouch saka umupo sa swing, sa tapat ng lamppost na konteng-konte na lang ay susuko na.
"What are you doing here?"
Mabilis kong itinaas ang paningin mula sa pagkakayuko. Kahit wala akong nakikita ay hinanap ko ang pinanggalingan ng boses.
"N-Nandiyan ka pala." Kinakabahan na naman ako. This is the second time na napunta ako rito at sa tingin ko'y hindi ako masasanay sa boses nito.
His voice was too deep.
Muli akong napayakap sa sarili dahil umihip ang hangin. I am just wearing a white long dress at hindi nito natatakpan ang braso ko. Manipis din ang kaniyang tela kaya ramdam na ramdam ko ang lamig na dumadaloy sa katawan ko.
Nakarinig ako ng kaluskos kaya luminga-linga ako sa paligid pero wala akong nakita kundi ang madilim na paligid. Nagulat ako dahil may itinapon itong bagay sa tabi ko kaya mabilis ko itong kinapa and only to find out that it was a jacket.
"T-Thank," sabi ko at saka sinuot ang binigay nitong jacket. Hindi na ako nag-inarte pa dahil ayokong manigas dito dahil sa lamig.
Pasimple kong inamoy ang jacket na suot. Nalanghap ang mabango at mamahaling perfume na nagmumula rito, lalaking-lalaki rin ang amoy nito. Hindi masakit sa ilong.
Hindi siya nagsalita. Nakiramdam ako. Tumingin ako sa kalingitan na maraming mga bituin. Pinikit ko ang mga mata ko upang damhin ang hangin at habang suot ko ang jacket na pinahiram sa akin ni Dark ay nararamdaman kong parang may nakayakap sa akin. I feel safe.
"Ang ganda pala rito. Walang taong nakakakita sa 'yo na huhusgahan ka," sabi ko nang imulat ko ang mga mata.
"Why don't you come here more often?"
Lumiwanag ang mukha ko at mabilis akong napalingon sa right side ko kung saan nanggagaling ang boses.
"Tagala?!"
"Yeah," maikli niyang sagot.
"Thank you!" Napangiti ako. Hindi dahil sa gusto kong pumunta rito kundi dahil sa kuryusidad na dumadaloy sa katawan ko na gusto siyang makilala.
"But don't ever plan on putting lights here or telling the other people about this place."
Nawala ang ngiti ko. Akala ko'y magagawan ko ng paraan na lumiwanag itong lugar at hindi na siya makapagtago pa sa dilim. But I guess, it's not easy to that thing. Pagkakasyahin ko na lang ang sarili sa pag-upo rito sa swing at kausapin siya.
"G-Got it."