Chapter 4

1557 Words
Emma's Point Of View "EMMA, WHERE HAVE BEEN?!" Iyan ang bungad na tanong sa ni Dad nang makapasok ako sa loob ng bahay. Lahat ng mga maids, except sa guards na nasa gate nakabantay, ay naririto sa sala. Yumuko ako dahil ayokong tignan ang masasamang tingin na ipinupukol sa akin ni Dad. I know he's mad. "Lahat ng mga maids and guards ay buong gabing hindi nakatulog dahil sa kakahanap sa 'yo. We, even have to go home para tumulong. Saan ka ba galing?" mahinahong tanong sa akin ni Mom. I looked at them. "I'm sorry," ang taging nasabi ko. Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag ang sarili. That I was supposed to go to a party but ended sleeping in abandoned park with that stranger in the dark. "YOU SPOILED–" "'Pa!" Hindi na natapos ni Dad ang sasabihin nito dahil pinigil na siya ni Mom. I know, I'm spoiled brat and hard headed. Hindi na nila kailangan pang ipamukha iyon sa akin. "Aakyat na po ako," sabi ko. Hindi ko na pinakinggang ang sasabihin pa nila dahil agad akong umakyat at pumasok sa aking kuwarto. Pagpasok ay agad akong dumiretso sa kama at umupo roon. Napatingin ako sa hawak-hawak kong kumot. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko inilapit iyon sa aking mukha at inamoy. Mabango at lalaking-lalaki ang amoy nito, iyong tipong hindi masakit sa ilong ang kaniyang amoy. "Thank you," bulong ko. I'll just think for another plan to give this back to him. Sa ngayon ay haharapin ko na muna ang problemang ako mismo ang gumawa. Inilagay ko iyon sa maruruming damit at saka ako lumapit muli sa kama at nahiga. Kinuha ko ang cellphone ko and dialed Lily's number. Hindi ko na pinansin ang libo-libong missed calls and text messages galing kay Mom and Dad at sa iba pang nakakuha ng number ko. "Hell–" "Emma?! s**t! Bakit hindi ka nagpakita kagabi?!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad niyang pinutol nang sagutin nito ang aking tawag. Bumuntong-hininga ako. "I lost in the dark. Hindi ko nadala ang cellphone ko dahil tumakas lang ako." "Lost in the dark?" patanong nitong sabi. "Yeah. Itatagalog ko pa ba?" I said. "Ewan ko sa 'yo. Hindi kita maintindihan," sabi nito. Wala akong nagawa kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. Simula ng umalis ako sa bahay hanggang sa mapunta ako sa abandoned park na iyon at magising na mayroon ng nakabalot ng kumot sa katawan ko. "What's his name again?" tanong nito nang matapos akong magkuwento. "Dark. 'Yun ang sabi niya. Ang corny 'no?" sabi ko. Tumingin ako sa kisame at nag-isip kung ano ba ang itsura ng taong iyon. "Maybe pero parang pamilyar or kapangalan lang nito ang crush ko. By the way, you should be careful, baka mamaya ay gangster pala iyon!" eksaherada nitong sabi na nakapagpaikot ng mga mata ko. "I think, he's not. I mean, his voice like music to my ears and it feels like nakilala ko na ito noon," sabi ko. "You're out of your mind, Emma. Ang mabuti pa ay gawan mo ng paraan na makalabas ka tonight." "Na naman?!" Napabangon ako. "Yes! Me and my family were going to a party tonight. Family business at pati iyong kambal ay imbitado rin," anito. "Sige," ang tanging naisagot ko. Pinutol na rin nito ang tawag kaya ibinalik ko na iyon sa bedside table at saka naman ako pumunta sa banyo upang maligo. - Lumabas ako ng kuwarto papuntang kusina dahil lunch na. Hindi rin ako nag-breakfast kanina dahil baka makasabay ko sina Mom and Dad sa pagkain at mapagalitan na naman ako. Sawang-sawa na ako sa paulit-ulit nilang pinapangaral sa akin. But I guess, I was wrong. Akala ko kasi ay pupunta sila sa trabaho nila ngayon. Dahil nang makapasok ako sa kusina ay naroroon silang dalawa, nakaupo sa kani-kaniyang puwesto at kumakain. "I thought you're going to bury yourself inside of your room," sarcastic na sabi ni Dad. Umupo ako sa puwesto ko kaharap ni Mom. Not minding my Dad's presence. I don't want to argue with him dahil hindi ko napipigilan ang sarili ko na sagutin siya. "Since, you're here. May sasabihin kami sa 'yo." Natigilan ako sa pagkain at napatingin kay Mom na nagsalita. "Ano po iyon?" tanong ko rito. She looked at first to my father bago niya ibinalik ang tingin sa akin. "Sasama ka sa amin mamaya, we're going to a party tonight." Gusto kong matuwa dahil sa wakas ay isasama nila ako sa isang party ngunit papaano sina Lily? Mas gusto ko na sa kanila ako sumama mamaya. "It's a reunion of our high school batch. Napag-usapan namin na isama ang mga pamilya namin. I think, your friends are will be there also." "Talaga po?" She nodded. Napangiti naman ako at palihim na nagbunyi. Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanila Lily na makakasama ko silang mamaya sa isang party. Pero nakakagulat na high school batch mates ang mga magulang namin nina Lily at ang kambal? Well, that's not really important. - After a long wait, sakay na kami ng kotse. My father was still angry at me pero hindi ko na lang iyon pinansin. Siya ang nagmamaneho habang katabi naman nito si Mom at nasa likod ako nakaupo. Wearing a simple white long dress and pair of two inches heels. Light make up at ang buhok ay pinakulot sa dulo. Nakarating kami sa isang function hall at marami na ang naririto. Nag-park lang si Dad at saka kami sabay na tatlo lumalabas. "Don't make trouble here, Emma." Lumingon ako kay Dad and rolled my eyes. Mukha ba akong palaging nagsisimula ng gulo? Alam kong palagi na lang akong nasasangkot sa away pero hindi ako ang nagsisimula. "Just listen to your dad, Emma." I smiled to my mom. Hindi na ako sumagot dahil ayoko nang humaba pa ang usapan namin. Kung pagsasabihan lang pala nila ako rito, mas mabuting hindi na lang sana nila ako isinama pa. I look around only to see a lot cars. Ang lahat ay mukhang mamahalin at sumisigaw ng karangyaan ng bawat nagmamay-ari nito. Napansin kong naglakad na sina Mom and Dad kaya sumunod na rin ako sa kanila. Mom's wearing a red dress na may kumikinang-kinang while Dad's wearing a three piece suit and black pants. Pumasok kami sa loob at marami na ang naroroon, nag-uusap. May red carpet pa papunta sa parang stage nito kung saan mayroong host na mukhang kanina pa nagsasalita. May mga round tables din na walong tao ang kasya. Napaganda ng mga design and a wrecking ball sa gitna ang lugar. Hindi ko maintindihan kung bakit may wrecking ball pero baka siguro may magsasayawan mamaya sa gitna. Tumingin ako sa paligid and there I saw my friends. Nakaupo sila sa dulo. I turned my gaze to my parents. "Mom, Dad..." Tumingin sila sa akin. "Pupunta lang po ako sa mga kaibigan ko." "Just–" "Just to make trouble," pagtatapos ko sa sasabihin ni Dad. I secretly rolled my eyes. Paulit-ulit na lang siya sa kaniyang sinasabi. "Okay, sweetie. Go ahead, enjoy," sabi ni Mom. I smiled at saka ako umalis doon. Naglakad ako papunta sa puwesto nina Lily. Nang mapansin nila ako ay kumaway silang tatlo. They're beautiful with their long dresses. Lily was wearing a blue, Vien wearing her nude color dress and Ivy was in green dress na siyang hilig niyang kulay. "I thought you're not coming tonight," sabi ni Ivy nang makalapit ako sa kanila. Tatlo silang naririto sa pabilog na upuan. Kaya umupo ako sa tabi ni Lily matapos kaming magbeso-beso. I smiled. "I'm with my parents. Himala nga dahil sinama nila ako rito despite of tbeing a troublemaker." "You're really beautiful in white, Emma," Lily said. "You too," sagot ko. Sandali lang ang lumipas at marami na ang nandito. Everyone is busy chit-chatting with their friends, I even saw my parents sitting nearby with some businessman and businesswomen. "They're here!" masiglang sabi ni Lily at napatingin kami sa tinitignan nito. Everyone's looking at them, isang pamilya na naglalakad sa red carpet. Dalawa na sa tingin ko'y ka-edad lang ni Mom and Dad while the two of them was their sons, I guess? Dumiretso sila sa isang round table malapit sa stage. "Sino sila?" tanong ni Vien. Maging ako'y hindi ko rin sila kilala. Kaya napatingin ako kay Lily dahil mukhang siya lang naman ang nakakakilala sa apat. "You don't know them?" tanong nito pabalik. "Magtatanong ba kami kung kilala namin sila? Mag-isip ka nga, teh!" naiinis na sabi ni Ivy. Kung malapit lang ito kay Lily ay baka nabatukan na niya. She just rolled her eyes at Lily. "Okay!" She also rolled her eyes. "They're Rodriguez family who owns Rodriguez finance corp. meaning sila ang pinakamayamang pamilya na naririto ngayon." Muli akong sumulyap sa sinasabi nitong pamilya. Natigilan ako dahil nakatingin sa puwesto namin ang isa sa kanila at kahit nahuli ko na siyang nakatingin sa akin ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin nito. Who are you? Why are you looking at me like you know me? Ang mga gumugulo sa isipan ko. His fierce eyes was looking straight to me. At biglang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD