Emma's Point Of View. Instead of going home, I prefer to stop at the abandoned park again. Ito na yata ang nagiging takbuhan ko sa tuwing gusto kong mapag-isa. Nasasanay na ako sa madilim na lugar na 'to dahil sinanay niya ako. I used to be with him here but now, he's not with me. Nasanay akong kasama ko siya, kausap kahit hindi ko nakikita ang mukha. Sana pala, hindi ko na lang pinilit na kilalanin siya sa labas ng dilim na 'to dahil kung ginawa ko lang iyon ay hindi ako masasaktan ng ganito. "Why did you run?" Napaayos ako nang upo dahil malamig at malalim na boses na iyon. I know it was him but I don't know why he's here? "Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi pa tapos ang party, bakit ka pa sumunod?" tanong ko nang lingunin ko ito kung saan siya nakatayo. He was holding a flashlight in hi

