Emma's Point Of View Tahimik. Katahimikan ang bumalot sa amin. Madilim. Madilim na ang gabi at ang simoy ng hangin ay mas lalo ng lumalamig. "Matagal ka na bang pumupunta rito?" tanong ko, dahil gusto kong mapakinggan ang boses nito at sinisigurado ko kung nasa paligid ko pa ba siya. "When I was 15," sagot ni Dark. "This was a beautiful place for me. I played here a lot and met a person who became my inspiration," pagkukuwento niya. Naintriga naman ako sa taong nakilala niya at naging inspirasyon niya. I didn't expect this na magkukuwento siya. "So, who is this person?" tanong ko. Yakap-yakap ko ang sarili dahil nilalamig na ako kahit na suot ko naman ang jacket nito at ang blanket na nakabalot sa mga paa ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil walang lamok dito. Baka may katol siyang

