Emma's Point Of View Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Mom. She was right, I’m hard headed. Hindi ako nakikinig sa kanila at magulang sila na nag-aalala sa kanilang nag-iisang anak. Siguro hindi ko lang nakita ‘yung pagpapahalaga nila sa akin dahil palagi kong itinatatak sa isipan kong mali ko lang ang nakikita nila. I’m so stupid. Kung hindi lang si Mom, I will never realized everything. “What’s with you? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa.” I looked at Lily who’s sitting besides me. She was holding a fork na may nakatusok pang hotdog dito. “Oo nga! Kanina ka pa ganiyan sa klase. It’s like you’re in outer space na nakikipag-party sa mga alien.” “OMG! Can I join with you, Emma?” Tumingin ako sa kambal.

