Hndi namalayan ni Pau na malapit na ang graduation nila at sa wakas ay makakatapos na sya at halos Apat na buwan nadin syang sinusuyo at nililigawan ni Timothy, hndi nya na maitatanggi na gusto nya nadin ang lalaki kaya gusto nyang kausapin ang kaibigang si crystal kung ano ang kanyang dapat gawin dahil bago pa sya sa mga gantong bagay, hndi katulad ni crystal na medyo may karanasan na sa pakikipag relasyon.
Sa apat na buwang panunuyo nito ay hndi naman ito pumalyang ipaalala sakanya na gusto talaga sya nito, pag gising sa umaga, at bago matulog ay tumatawag ito dahil ayun lang ang pinaka oras nila mag usap bukod sa date nila tuwing day off nito. Ang bilis lumipas ng buwan at eto nga sya ngayon nag iisip kung dapat ba na sagutin nya na si Timothy.
Tinawagan nya si crystal na pupunta sya sa bahay nito, kaya heto sila at nag uusap sa kwarto ng kaibigan. "Bessy simple lang naman ang sagot dyan ihhh" Sabi nito habang ngumunguya ng dala nyang moron na gawa ng kanyang nanay lia. "tell him to stop courting you, then if tinanong nya why?" may kasamang pag arte pa nitong sabi "tell him that you like him already, tapos yayakapin ka nya sa sobrang tuwa sabay ikikiss ka" hinampas nya ito sa braso dahil hinahalikan nito ang moron na parang iniimagine nya na may totoo syang kahalikan. "ouch naman bessy" reklamo nito habang hinihimas himas ang braso.
" ihhhhh crys naman kasi, yung seryoso naman, iniisip ko kasi baka pag sinagot ko sya isipin nya na ang dali kong suyuin" Sabi nya sa kaibigan.
"ohhhh em geee Paula Allyson, APAT NA BUWAN? tapos iisipin na easy to get ka? dzaiiii sa panahon natin ngayon wala nang Maria Clara, Yung iba nga hndi na umaabot ng buwan ang ligawan dahil sabi nila sayang ang panahon dahil pwede padin naman daw ligawan kahit in a relationship na sila" mahabang litanya ng kaibigan.
"Natatakot kasi ako na baka bigla syang mag bago, baka ngayon lang sya ganyan kasi sinusuyo nya ako" paliwanag nya kay Crystal sa kanyang nararamdaman.
"Look bessy i know it's scary kasi if ever first boyfriend mo sya, pero hndi ba ang unfair for him cause he's working really hard to gain your trust and love, pero iniisip mo na ganyan ang gagawin nya sayo?" Napaisip sya sa sinabi ng kaibigan. Napabuntong hininga nalang sya dahil tama naman ang sinabi ni crystal.
"it only means one thing Pau, hndi pa buo ang tiwala mo sakanya" dagdag pa ng kaibigan.
"I like him a lot crys, Anong gagawin ko?" tanong nya dito.
"Sagutin mona gusto mo naman pala ihhh, hndi mawawala yang takot mo kung hndi ka mag tatake ng risk bessy" pag papaintindi ni crystal sakanya.
After nilang mag usap ni crystal ay naliwanagan na sya at agad nyang minessage si Timothy na mag kita sila after work nito, sinabi nyang nakila crystal sya at sinabi naman nitong susunduin nalang sya doon. Nang mag ala singko na ng hapon ay nag handa na sya at nagpaalam nadin Kay crystal dahil nakatanggap sya ng message galing Kay Timothy na papunta na ito para sunduin sya.
Nang makarinig ng busina ay lumabas na sya ng bahay nila crystal at kumaway nalang sa kaibigan, bumaba si Timothy sa kanyang sasakyan at nilapitan sya nito "hi" Sabi nito saka sya hinalikan sa ulo.
"hi" ganting bati nya dto sabay ngiti.
Pinag buksan muna sya nito ng pinto sa passenger seat saka sya inalalayan sumakay kinabit pa muna nito ang kanyang seat belt at nang maisara ang pinto ay umikot naman ito para pumunta sa driver seat, nang makasakay ay tinanong muna sya nito kung saan nya gusto pumunta.
"Gusto ko sana sa dagat, let's have a walk maybe?" Patanong nyang sabi kay Timothy.
"That would be nice" sagot naman nito bago pinaandar ang sasakyan.
Dumaan muna sila sa 7/11 para bumili ng pwede nilang inumin at kainin, napag usapan nilang masarap uminom ng beer sa dagat habang nag uusap, balak nitong sya nalang ang bumili at wag na syang sumama sa loob pero mapilit sya kaya eto sya sa loob ng convenient store pumipili ng pwede nilang kainin habang si Timothy naman ang kumuha ng kanilang inumin.
Nang matapos ay pumila na sila sa counter para makapag bayad, nasa harapan sya ni Timothy dahil gusto daw nitong palagi syang nakikita. Napansin nya yung titig ng cashier kay Timothy kaya kumapit sya sa braso nito.
Napansin naman ito ni Timothy kaya bumulong ito sakanya "Possessive hmmm" halos tumaas lahat ng balahibo nya kaya napabitaw sya dito at natawa naman si Timothy.
"tssss. let's go" nakasimangot nyang sabi nya dto nang matapos mag bayad saka naunang mag lakad.
"Hey Love wait up?" malakas nitong sabi kaya nilingon nya ito at nakita nyang naka ngiti ito.
"hmp. love mo muka mo" Ewan ba nya bakit sya naiinis eh tumingin lang naman yung cashier kay Timothy.
Mabilis syang nag lakad papunta sa pinag parkan nila ng sasakyan, naka lock ito kaya inantay nya muna si Timothy, nang makita sya nito sa gilid ng sasakyan ay pinindot nito sa susi na hawak para mabuksan ang pinto ng sasakyan.
Pumasok sya kaagad at kinabit ang seat belt hndi na nya inantay na si Timothy pa Ang mag kabit nun, nang maka pasok nadin ito sa sasakyan ay inilagay nya muna sa likuran ang kanilang mga pinamili. Kinalabit sya nito pero hndi nya ito binalingan ng tingin.
"Hey Love" Sabi nito.
"tch, stop it" Sabi nya dto dahil kinakalabit sya nito.
"You don't want me to call you Love? hmmm?" tanong ni Timothy.
"tss you should wear a shade and a mask everytime we're going out" Sabi nya dto.
"hmmm, why?" tanong ulit nito.
"pinag titinginan ka nila..........akin ka lang ihhh" pabulong nyang sabi sa huli.
"Yeah sayo lang ako" Sabi ni Timothy bago nag simulang mag drive papunta sa beach na pupuntahan nila
Ang katabi nya naman ay halos mag mukang kamatis na sa hiya dahil hndi nya akalain na mariring ni Timothy Ang huli nyang sinabi. Hinayaan nya nalang itong mag drive at after nga ng ilang minuto ay nakarating din sila sa isang beach sa Olongapo ang Driftwood beach napapalibutan ng magagandang dagat Ang kanilang lugar pero bihira lang sila makapunta dto dahil nasa bukid sila medyo malayo sa bahay nila pero nadadaanan nya naman tuwing papasok sya sa school.
Nag park muna sila saka nag bayad ng entrance na 25 pesos per head. weekdays ngayon kaya wala masyadong tao, pinili nilang pumwesto sa ilalim ng pier dahil walang tao doon bukod sa mga dumadaan.
Nang makaupo sila ay nag bukas sya ng isang beer at ganun din si Timothy "you know why i wanted to go here?" tanong nya kay Timothy bago uminom ng beer.
"why?" balik tanong nito habang nakatingin sa kanya.
"cause it makes me feel calm" sagot nya sabay ngumiti sya dito.
"Yeah, me too" Madami pa silang napag kwentuhan at pakiramdam nya na mas nakilala nya si Timothy.
Nang dumilim na ay lumipat sila sa cottage dahil may konting sinag ng ilaw doon at mas madali silang makita Ng mga bantay na nag papatrol. Magkatabi sila at nakasandal na si Pau sa balikat ni Timothy "hmmmmm. I like this" Sabi nya sabay pumikit habang mag sinisiksik ang sarili sa gilid ni Timothy.
Inakbayan sya nito saka nagpatuloy sa pag inom ng hawak nitong beer, nakakadalawa palang sila ng in can na beer pero pakiramdam nya ay malalasing na sya. Ibinaba nya ang hawak na alak at nilingon si Timothy habang nakasandal padin sya sa balikat nito kaya sobrang lapit ng muka nila sa isa't isa.
"bakit ba ang gwapo gwapo mo?" tanong nya dito.
"bakit din ang ganda ganda mo?" balik tanong nito.
"shhhh baka marinig ka nila secret lang namin nila nanay yun ihh" Sabi nya sa binata na ikinatawa nito.
Sobrang gwapo nito Lalo na kapag ngumingiti o tumatawa, may dalawa syang biloy sa magkabilang pisngi, makapal na kilay, mahahabang pilik, mapungay na mata, matangos na ilong at mapulang labi na nakakatakam halikan.
"okay I won't tell" tumatawa nitong sabi sabay halik sa ulo nya.
"hmmm, I want to tell you that I already like you" Sabi nya habang nakasiksik ang muka sa leeg ni Timothy.
Naramdaman nya ang pagka estatwa nito kaya sinilip nya ang muka nito.
Nakatingin sakanya si Timothy na parang gulat na gulat "y-ou do?..... so that means?" utal nitong tanong.
"it means sinasagot na kita" nakangiti nyang sabi kay Timothy at sa sobrang tuwa nga nito ay bigla sya nitong hinalikan sa labi.