CHAPTER 3(YES)

1207 Words
Kinabukasan matapos sabihin sakanya ni Timothy na gusto sya nitong ligawan ay hndi muna sya pumasok sa karinderya, iniisip nya kasi na baka pumunta ulit ang lalaki. Gusto nya munang pag isipan at gusto nya din muna kausapin ang kanyang nanay at tatay tungkol sa mga ganitong bagay. Bago sya lumabas ng kanyang kwarto ay niligpit nya muna Ang kanyang higaan at nag suklay, apat nalang sila ng kanyang nanay lia at tatay bert kasama ang kanyang kuya tony sa bahay nila, anim silang magkakapatid at ang apat pa nyang kapatid na si kuya Rob, ate Sally, ate Anna at ate Joy ay may kanya kanya nang pamilya, Nasa iisa lang silang bakuran kaya parang nasa iisa padin silang bahay dahil araw araw padin silang nagkikita at ang mas nakakatuwa pa ay araw araw nya ding nakikita ang kanyang 11 na pamangkin, kaya kahit sobrang hirap ng buhay nila ay masaya sila dahil magkakasama sila at nag susumikap para nadin sa mga pamangkin nya, kaya kahit hirap talaga sya mag aral dahil mahina ang utak nya ay pinilit nya dahil gusto nga din bigyan ng magandang buhay ang pamilya nya lalo na ang mga pamangkin nya. Nang makalabas sya sa kwarto nya nakita nya ang nanay lia nya na nag hahanda ng almusal nila, habang ang kanyang tatay bert ay kalong kalong ang dalawang apo na si rina at lea, lumapit sya sa kanyang nanay at saka nag mano at ganun din sakanyang tatay, at pinang gigilan ang mga pamangkin na si rina at lea kaya nainis ang mga ito. "Ang aga aga mo nanamang iniinis ang dalawang iyan, halina kayo at kumain na ng almusal" suway at Yaya sakanila ng kanyang nanay lia. tumatawa syang lumapit sa mesa at sumunod nadin ang kanyang tatay habang hawak sa kamay ang dalawang apo. nang makaupo ay nag dasal muna Sila bago kumain, araw araw ay ganto ang kanilang umaga hndi na ata sya hihiling ng sobra dahil sa pamilya palang nya panalo na sya, sa kalagitnaan ng almusal nila ay sya namang pag dating ng kanyang kuya tony galing sa kanyang trabaho sa pabrika, sya din ang tumutulong saakin sa school pag may kailangan bayaran, hinainan nadin sya ni nanay lia ng almusal at Ako Naman Ang nag timpla ng kape nya. "kumain kana anak ng makapag pahinga ka" Sabi ni tatay bert. "opo tay, andaming trabaho sa pabrika ngayon dahil nag retire na ang dati naming boss, anak nya na ngayon ang mamamahala" Kwento ng kanyang kuya. "kaya pala medyo nahuli ka ng uwi, o sya Sige at kumain kana" Sabi Naman ni nanay lia. nag dadalawang isip sya kung ipapaalam ba nya sa magulang at kapatid nya ang tungkol sa manliligaw nya, natatakot sya na baka magalit at pagsabihan sya ng mga ito pero sa huli ay napag disisyonan nyang sabihin. "uhmmm... nay, tay, kuya" tawag pansin nya sa mga ito. "may gusto po Kasi akong sabihin sainyo" dagdag nya. "ano iyon? may kailangan kabang bayaran sa school? sa makalawa pa ang sahod ko makakapag antay kaba bunso?" Sabi nang kanyang kuya tony. "Hndi kuya wala akong kailangan bayaran sa school, ano kasi kuya gusto ko po sanang ipaalam sainyo na..... ano po Kasi......!" nahihiya syang sabihin sa mga ito. "ano iyon anak, sabihin mona para makapag pahinga na ang kuya mo" Sabi naman ng kanyang nanay. "Kasi po nay, tay, kuya....... may gusto po kasing...... manligaw sakin" nakayuko nyang sabi. "kala ko naman kung ano, suskopo lia ang ating bunso ay dalaga na ang bilis ng panahon" Sabi ng kanyang tatay bert. "gusto ko po kasing ipaalam sainyo dahil ito po ang unang beses na may nag sabing gusto niya Ako." nahihiya nyang sabi sa kanyang magulang at kapatid. "Anong sinabi mo nung tinanong ka?" tanong ng kanyang kuya tony. "Sabi ko pag iisipan ko po muna" sagot nya dito. "anak hndi ka naman namin binabawalan mag nobyo, ang gusto lang namin ay makapag tapos ka ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho para hndi ka matulad saamin na dto na sa bukid lumaki" Sabi naman ng kanyang nanay lia. "opo nay, pangako kopo na mag tatapos ako ng pag aaral para matulungan ko din kayo at ang mga pamangkin ko" sagot nya sa kanyang nanay. "basta lagi mong tatandaan na lahat ng bagay may limitasyon ganun din saiyo, alam mona ang Tama at mali Ang lagi mo lang tatandaan ay nandito kami para gumabay sayo" pangaral sakanya ng kanyang tatay bert. "Nako tony ikaw kailan ka magpapakilala ng nobya, antagal na simula nang mag hiwalay kayo ni Genie ahhh" tanong na may halong pang aasar ng kanyang nanay lia sa kuya tony nya. "si nanay talaga ako nanaman ang nakita, balak ko talagang pumasok sa seminaryo nay diba tay" nag bibiro ding sabi Ng kanyang kuya tony. "oo pangarap ko talaga na magkaroon ng anak na pari" pang gagatong ng kanyang tatay bert. Halos araw araw na ganun ang takbo ng kanilang umaga, hndi ganon kagaan ang buhay nila pero nakakaraos din dahil tulong tulong sila kahit ang kanyang mga kapatid na may asawa na ay tumutulong padin sa kanilang nanay at tatay, para hndi na mag trabaho ang mga ito. Pag tapos kumain ng almusal ay niligpit at hinugasan nya na ang kanilang pinagkainan, para din makapag walis na Ang kanyang nanay lia sa labas na halos araw araw na nitong ginagawa. Nang matapos ay nag punas muna sya ng kamay saka nag pasyang silipin ang kanyang mga pamangkin na nag lalaro sa kanilang bakuran. "juskopo Sherwin ang aga aga pa at nakapag lipstick kana, lagot ka nanaman sa mama mo pag nakita ka" rinig nyang sabi ng kanyang nanay sa pamangkin nyang bata palang ay alam nang tagilid ito. "lola pag laki kopo gusto ko gumawa ng madaming magagandang damit" sabi nito at natuwa naman sya dahil bata pa lang ay alam na nito kung ano ang gusto nyang gawin. Balak nya na sanang lumapit sa mga ito nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, nang tignan nya kung sino ang tumatawag ay bumilang muna sya ng tatlo bago sagutin ito. "Hello, napatawag ka?" tanong nya dito. "I missed you, gusto ko lang marinig ang boses mo" halos kumawala na sa ribcage nya ang kanyang puso dahil sa pag wawala nito. "miss kaagad ehh kakakita mo lang saakin kahapon" sagot nya dito. "if only I could go there, gagawin ko para lang makita kita, but i have tons of work" parang pagod itong bumuntong hininga. "uhmmmm may gusto din pala akong sabihin sayo" pag iiba nya ng usapan. "Ano Yun? don't tell me babastedin moko?" nag aalala nitong tanong. "Hndi ahhh, ano...... kasi, uhm sinabi ko sa magulang ko na may gusto manligaw sakin" gusto nyang ipaalam dto ang sinabi sakanya ng kanyang magulang. "What did they say? pumayag ba? Nagalit?" parang natataranta ito sa bilis ng pag sasalita. "Huminahon ka nga, ansabi lang nila ay alam ko na Ang Tama at mali, at hndi Naman daw nila Ako binabawalan kaya napag isipan ko na bigyan ka ng pagkakataon" Akala nya ay binabaan sya nito ng tawag ngunit ng tignan nya ang screen ng kanyang cellphone ay andun padin ito. "hello?" Sabi nya. "YES" malakas at masaya nitong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD