Chapter 9

1535 Words
Tulala pa rin ako habang nasa sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Iyon lang naman pero para bang may nagpakitang aparisyon sa akin sa sobrang pagkagulat. Hindi ko na alam kung saan kami bumaba, nagpapatangay nalang ako sa paghila niya. Nakaupo na ako ngayon. Maingay at maraming tao, pero nangingibabaw pa rin sa isip ko ang eksenang umukit na yata sa utak ko. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong gano’n bago umupo si Miel sa kaharap na upuan ko at nilapag ang order namin. Ilang beses akong kumurap saka nilagok ang malamig na tubig na para bang nakipagkarera ako saka bahagyang binagsak ang baso sa mesa. “What?!” gulat na turan ng gay man na ito. “Uhaw na uhaw ka girl? Nahabol mon a ba kung ano iyang hinabol mo sa isipan mo? Kanina pa kita kinakausap pero parang hangin lang ang kausap ko. Oh, ako na rin ang nag-order para sa iyo,” aniya pagkatapos ilapag ang order namin mula sa tray na siya lang ang nagdesisyon. “Okay ka lang ba? Anong nangyari sa’yo? Nakakatakot ka na ha, para kang na-trauma.” Nagpanting ang tainga ko sa huli niyang sinabi. Loko siya, he just doesn’t know, I’ve been there because of unknown traumatic happening and I’m still suffering. “f**k, you’re really gay,” are the words that first escaped my mouth with disbelief and amazement after my mild derealization.  Yes, I know he’s gay. But I don’t know to what extent his gayness is. The lady just stripped in front of him and... well I appreciate how he covered her body, but to be not affected? It’s on different level. He make-face. “Why? Do you believe I’m straight?” “Hindi lang ako maka-get over. Based on your reaction, its usual, isn’t it?” Dahan-dahan siyang tumango. Kinuha ko na rin ang kutsara’t tinidor ko at nag-umpisang kumain. Ilang minuto kaming tahimik sa pagkain. Another thing na hindi mo talaga siya paghihinalaan ay ang pagiging tahimik niya, hindi siya madaldal. Wala rin sana akong balak basagin ang katahimikan nang may lumitaw na tanong sa isipan ko. “Have you...” Tiningnan ko siya. Hindi ko alam kung tama bang tatanungin ko siya. Pero gusto kong malaman kung gaano nga ba talaga siya kabakla. Based on my assessment, he’s just 20% gay but with what I witness earlier it raised up to 40%, and if ever he will confirm to my question it will quickly increase to 70%. “Had a relationship with same s*x?” Napatigil siya sa pagkain sa tanong ko at tiningnan ako ng diretso. “Not.” I heaved a sigh, and I don’t know the meaning of that sigh. It seems like it was a relief for me knowing that he hasn’t had a relationship with same s*x yet. But something’s not right. Inalala kong muli ang sagot niya. “Not.” Mali yata ang ginamit niyang salita. It should be No or None, right? “Yet,” he added. This answer the odd part. “What do you mean?” Hindi ko nagustuhan ang dahan-dahang pagporma ng ngiti sa labi niya. From being stern and serious, he smiled like crazy right now, he’s grinning ear to ear as if he’s in love. May kinalikot siya sa phone niya saka pinaharap sa akin. May pinapakita siya sa aking litrato. Kinuha ko ang cellphone niya at nilinaw ang nasa picture. “Sino ‘to?” “He will be the one to turn my not yet to yes,” he said still smiling widely. “Uhm...your lover?” Tumango siya. “Yes, he is Flynn, an engineering student at BIS and might be your senior. I met him 3 years ago noong hinila mo ako sa men’s room at pilit hinalikan. Remember, I slapped you, right? And confessed to you that I’m a gay. He heard all of those kasi nasa kabilang cubicle lang siya. I eyed him when I got out of the CR waiting for him to threat me with what he just heard. But no, walang nangyaring gano’n. Actually, he’s so kind. Siya pa nga nagdala sa’yo noon sa clinic.” Natulala na naman ako sa dire-dretso niyang kwento. I was taken aback. How come I am part of his story? “Hoy, nakikinig ka ba babaita?” “What do you mean me kissing you and you slapping me?” Hindi ko na mai-construct nang maayos ang tanong ko dahil sa pagtataka. “Huh?” Mukhang napagtanto niya ang pinagsasabi niya, nabura ang ngiti niya at umayos ng pagkakaupo. “I mean, a g-girl like you? Hinila ako ng babae. I’m sorry, its just my direct representation.” He even raised his fingers for a peace sign. Hanggang sa matapos kaming kumain at nasa sasakyan na ay nasa ilalim pa rin ako ng pag-iisip sa kinwento niya. “Hoy tahimik ka?” aniya habang nagmamaneho. “Oh my gosh!” Napaahon ako sa malalim na pag-iisip nang magpreno siya ng pagkalakas-lakas at wala man lang pahiwatig. “What the! Ano ba?!” sambit ko habang nakahawak sa dashboard at seatbelt ko. “You like Flynn?!” nanlalaki ang mata niyang tanong. I turned to him with gritted teeth and clenched my fist dahil sa sobrang gigil. I raised my clenched fist in his direction. “Want to try my fist? Just once?” Nakangiwi lang siya na tila tinatantiya kung talaga bang kaya ko siyang susuntukin. I released my fist and landed it on his backrest just beside his face. Napatili siya at ngayo’y nakapikit nang mariin. Bumalik ako sa maayos na pagkakaupo at diniretso ang tingin sa daan. “Nagpreno ka nang pagkalakas, wala man lang pasabi. Malapit na akong lumabas sa windshield dahil lang sa pag-aakala mong type ko ‘yang Flynn mo?” nanggigil ko pa ring sambit. “Okay I’m sorry. Ikaw naman kasi ba’t ang lalim ng iniisip mo?” “Wala ka na roon.” “Gosh, whatever. You’re scary,” aniya saka ginalaw-galaw ang balikat na para bang nire-refresh ang sarili. Nag-umpisa na siyang magmaneho ulit. Imbis na ihatid ako diretso sa bahay ay dumaan muna kami sa kanila. He insists on returning my clothes that he wore back then na okay lang naman sana. Pero nandito na nga ako sa bahay nila. Nakasunod ako sa kanya habang papasok.   “Dad, you’re here?” At ang baklang ‘to naging tigasin ulit pagkakita sa ama niyang nakaupo sa sofa sa pagkalaki-laki nilang sala. “Yes, where have you been?” tanong ng Daddy niya. May pinagmanahan talaga ang pagkagandang lalaki niya. His father might be handsome than him in his teenage years. “Sa BIS, I just followed up my enrollment.” Hindi na sumagot ang daddy niya at tinapunan ako ng tingin. “Your girlfriend?” Bahagyang nanlaki ang mata ko sa tanong ng Daddy niya. Napalingon din siya sa akin. “Ah no / Hindi po,” sabay pa naming sambit. “I heard a girlfriend thing. What? Did Miel finally bring a girlfriend?” Napatingin kami sa babaeng sopistikada na pababa ng hagdan. “No. She’s just my friend. She’s Missy,” pahayag niya. Hinila niya ako at pinaupo sa single-seat sofa kaharap lang ng Daddy niya. Shucks, indeed, I’m not his girlfriend but it so uncomfortable facing his family. “Wait here, kukunin ko lang sa kwarto.” Hindi pa man ako nakasagot ay ang Daddy niya at ang babaeng nakaupo na rin ngayon sa sofa ang binalingan niya. “Don’t ask her with uncomfortable questions, she’s not my girlfriend,” aniya at pumaitaas na. Hindi na rin ako umimik pero panay ang tingin ng daddy niya sa akin. Uhm, may dapat ba akong sabihin? Pinagkrus ng babae ang legs niya habang may kinakalikot sa cellphone niya. From the looks of her, I think she’s his older sister since she called him just Miel. “Dad, may mga reviews dito na nagka-crash daw ang vanguard course.” Vanguard course? It’s a famous mobile game I am playing, kahit si Mira ay adik dito. “Yes.” Tumayo ang daddy niya at inayos ang coat nito. I wonder what he does that they’re freaking rich like this. “That’s why I called a meeting for its production team.” Sinipat nito ang wristwatch. “And its 10 minutes from now so I got to go.” Meeting for production team of Vanguard course? Who is he? “Take care, Dad.” Tiningnan ako ng daddy niya at hindi ko alam ang gagawin. I just smiled and to my shock he smiled back. He looks serious though. Tuluyan na siyang nakaalis at itong ate niya na lang ang kaharap ko na busy pa rin sa phone niya. “Damn, it’s really crashing.” Nabigla na naman ako nang tinapon niya ang cellphone, sa sofa lang din naman so hindi nabasag. Binalingan niya ako at ngumiti. “Oh, sorry for that. I’m Nadine, Miel’s sister.” Ngumiti rin ako pabalik. “Nice to meet you po.” “Just call me ate and please be comfortable. I know you’re not his girlfriend.” “You do know he’s...” “Gay? Yes.” “Does your dad know?” Umiling-iling siya. “No, kaya nga nakisakay lang ako kanina asking if you are his girlfriend.” “And you support him being gay?” “Hmm yes, I’m not against it. But I will support you too if incase you will be his girlfriend for real.” Napangiti ako nang alanganin, hindi ko inaasahan ang pagkaprangka niya. “I doubt it. I just witnessed him being gay and I don’t think he can be straightened.” Hindi ko mapigilang mapatawa nang bahagya pati siya’y napatawa na rin. “I like you,” natatawa niyang turan. “Maiba po ako, is your Dad a part of production team of Vanguard course?” She smiled. “Do you know Gamelords?” Tumango ako. It’s a Game Design Company that develops Vanguard Course and Mira said that I once dreamt to work on that company. “He’s not just a part of it. Dad is a software engineer and he rule Gamelords.” Napaawang ang labi ko. They own Gamelords? Now, I am drowned to how rich this gay man is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD