Mabilis ang paglipas ng araw at mabilis din akong naging komportable kay Miel. Baklang-bakla talaga siya na naging komportable na ako sa kanya. Dapat ko ng balewalain kung ano mang pagtingin na mayroon ako sa kanya simula noong kinilig ako sa ginawa niya.
Wala na, siya na mismo ang pumatay sa kilig kong ‘yon.
Madalas na kaming mag-hang-out ngayon, pero minsan nagiging third wheel ako sa kanilang dalawa ni Flynn. Kaya kitang-kita ko ang kalandian nilang dalawa ‘pag magkasama kaming tatlo.
Okay naman si Flynn, mabait at walang panghuhusga.
“Ate? Aalis ka?” tanong ni Mira na nasa sala nagse-cellphone na naman umagang-umaga. Tumango lang ako sa tanong niya.
“Saan punta mo?”
“Bakit, ihahatid mo ba ako?” pabalang kong tanong kaya inirapan niya na lang ako at bumalik sa ginagawa.
Nag-abang ako ng taxi sa labas ng village namin. Papunta ako kina Miel, ako pa susundo sa kanya, walang hiya talagang baklang ‘yon, siya naman ang may sasakyan. Nag-aya siyang mamili ng damit since malapit na ang pasukan, um-oo na rin ako dahil wala na rin akong bagong damit.
Pagkarating ko sa bahay nila ay kilanag-kilala na ako ng guard at mga kasambahay nila. Papasok ako sa bahay nilang nang makasalubong ko si Ate Nadine sa pinto.
“Missy,” sambit niya tila natutuwang makita ako. Lumapit ako sa kanya para bumeso, yes ganyan na kami ka-close ngayon na may pabeso effect na. May isang beses na ring magkasama kaming kumain ni Ate at nagkuwentuhan. Nalaman kong pediatrician pala siya at may mga nalaman din ako tungkol kay Miel. Alam niyo na, childhood naughty little secrets.
“Si Miel po?”
“Baka nasa itaas pa. Pasukin mo na lang ang kwarto niya.”
“Sige po.”
Namaalam na siya at ako nama’y pumasok na…sa bahay. Hindi pa ako nakapasok ng kwarto niya no. Hindi ko rin alam kung saan sa dami ng kwarto.
Nakasalubong ko rin si Tito, yes Tito, whom his Dad, improving na ang relationship status ko sa mga pamilya niya. At buong akala ng Daddy niya eh may something kami ng baklang ‘yon.
Tito might become my mentor while I’m taking software engineering and I’m so lucky to meet him. Nang nalaman niyang SE ang kinukuha ko, boom, doon nag-improve ang relationship status namin.
“Good morning po, Tito.”
Bitbit niya ang isang tasang kape at patungo yata ng garden nila.
“Missy iha, good morning. Nasa taas pa yata si Miel, akyatin mo nalang.”
“Okay lang po Tito, hihintayin ko na lang dito.” Nagtaka ako nang sunod-sunod siyang umiling.
“Hindi ikaw ang dapat naghihintay. I’m so disappointed with my son for doing this.” Napaawang ang labi ko.
Alam mo kasi Tito, mas dalaga pa sa akin ang anak mo kaya ako na lang po ang nag-a-adjust. Gusto kong sabihin pero baka atakihin siya.
Binigay niya sa katulong ang kapeng bitbit niya at pinahatid sa garden. Iminuwestra niya ang kamay na lumapit, wala sa isip naman akong sumunod hanggang sa iginiya niya ako paitaas.
“Bulabugin mo siya sa kwarto niya.”
Alanganin akong napapangiti. Hanggang sa tumigil na kami sa harap ng pinto. Sinenyasan niya rin akong kumatok. Napalunok ako. Kinakabahan ba ako? Hindi ko kasi alam kung anong ginagawa ng isang ‘to sa loob paano kung maabutan siya ng ama niya na nakabestida siya? Tapos ang kabaklaan niya.
Nagkapagkwento kasi siya sa akin na sa kwarto niya siya pinakakomportable. His parents never barge in his room except for Ate Nadine who knows the truth.
Nakailang katok at tawag ako pero walang sumasagot. Wala na akong nagawa nang pinihit ni Tito ang doorknob.
For a CEO of a company, marami yata siyang oras para samahan pa ako rito sa kwarto ng anak niya.
Una siyang humakbang papasok kaya sumunod na ako. Mas pinagtataka ko bakit hindi umiimik si Tito, ako lang ang pinapatawag niya kay Miel. Mukhang hindi niya gustong ipaalam na nandito rin siya.
Wala kaming naabutan na Miel sa loob pero dinig naming ang tunog ng shower mula sa banyo niya.
Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Malinis at navy blue pa ang tema, lalaking-lalaki, walang bahid ng bahaghari.
I think Tito is playing silly when he asked me to knock on the CR’s door. Wala talaga akong nagawa kundi sumunod, kung ano mang kalalabasan nito, bahala ka na Miel.
“Miel?” akmang kakatok ako pero nabitin sa ere ang kamay ko nang bumukas ito. Parehong nanlalaki ang mata namin.
“What the, girl! What – ump.” Tinakpan ko na ang bibig niya bago pa marinig ng Daddy niya ang kabaklaan niya.
“Nandito ang daddy mo, umayos ka,” babala ko sa kanyang may diin ang bawat salita. Tinulak ko siya pabalik ng CR at sinara ito.
Humugot ako ng hininga bago tiningnang muli si Tito. Mas pumeke pa ang hinanda kong pekeng ngiti nang makitang malapad na nakangiti si Tito.
“You must have been saw something…” Hindi niya tinuloy ang sinasabi pero kitang-kita ko sa mata niyang sayang-saya siya sa nangyayari at may ibang iniisip.
I chuckled awkwardly. “Ah, wala po Tito.” Actually po kasi nakatapis po ‘yong anak niyo. Nakatapis pambabae at may tuwalya pang nakabalot sa buhok na akala mo’y may buhok talaga.
Kitang-kita ang aliw sa mata at buong mukha ni Tito habang ako’y dinaig pa yata ang plastic sa peke ng ngiti ko. I feel so awkward. Wala na akong masabi, at kung may sasabihin man ako magmumukha akong defensive. Ano bang dapat kong sabihin? Napakatahimik kasi ng kwarto.
Napakamot nalang ako sa batok at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto ni Miel. Ang laki ng kwarto niya, although malaki rin naman ‘yong akin, mas malaki lang ang sa kanya. Napakalinis niya rin para sa isang lalaki, para ngang malinis at organisado pa itong kwarto niya kaysa sa akin.
And the smell? I’m always with him, and I will know that this room is his just by the scent enwrapping, its so manly yet sweet.
Ilang minuto pang nakakailang na katahimikan ang lumipas bago tuluyang lumabas si Miel. Ang tagal niya naman mag-transform.
“Dad.” At si gay man ay naging man na naman. Buong-buo ang boses niya. “Bakit po kayo nandito?”
Lumingon ako sa kanya na siyang pinagsisihan ko agad. Nakatapis siya pero hanggang beywang na lang at kitang-kita ko ang medyo basa niya pang katawan. Wala na rin ang tuwalyang nakabalot sa ulo niya kaya kitang-kita ko rin ang pagtulo ng tubig mula sa mga hibla ng buhok niya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at batok. Shucks.
Hinarap kong muli si Tito. “Hehe Tito, sabi ko naman sa inyo sa baba na lang ako maghihintay. Hindi pa po siya handa.”
“No, I’ll go down stair and you wait him here. It will serve him a lesson that he must not make a woman wait.”
Alanganin na naman akong napangiti. Tinapunan siya ng tingin ng ama. “You better make it faster.”
“A-ah yes dad.”
Sumalampak ako sa sahig nang tuluyan nang nakalabas si Tito. Parang nanghina ang tuhod ko sa pangyayaring iyon. Ngunit nang mapagtanto ko ang nangyayari, lalo na sa sarili ko ay mabilis akong tumayo at tiningnan siya…sa mata. Hindi ko na pinababa pa ang tingin ko at baka saan pa maglandas.
“What? Did my knees just wobbled for your unexpected identity revelation?” asik ko sa kanya. Nabigla ako nang niyakap niya ako. Nabalot ako sa mga braso niya at ang ulo ko sa dibdib niya.
What? I can hear his heart beating fast.
“Can you hear it?”
“The what?”
“My heart.”
“Yes?” Dinig na dinig ko pero hindi ko alam kung bakit naging patanong ang sagot ko.
“Its not for you, but for my Dad and my secret.”
Nag-isang linya ang kilay ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Akala niya ba na inakala kong tumitibok ang puso niya para sa akin? Ang galing din mambasag, hmp!
Sa sobrang bwisit ay tinulak ko siya. “Anong akala mo sa akin, na-inlove sa’yo? Ang feeling mo ha.”
“Pang-romance kasi ang eksena eh, alam mo ‘yon? I just thought you might be swayed.”
“Dalian mo na nga! Kung alam lang talaga ng daddy mo kung bakit ako pa ang maghihintay sa’yo baka maiintindihan niya.” Pabagsak akong humiga sa kama niya.
“But seriously Missy, grabe ang kaba ko kanina.” Dinama niya ang dibdib. “Even until now, gosh, my heart. Thank you so much.” Humakbang siya papunta sa akin na bahagya kong kinataranta. Anong gagawin niya? Balak niya ba akong yakapin? Nakahiga ako sa kama niya at hindi magiging maganda ang posisyon naming kung yayakapin niya ako nang nakahiga, lalo na’t nakatapis lang siya.
I know that we are too much comfortable with each other, but not to this oh so touchy situation. Kaya bago pa siya tuluyang makalapit pinigilan ko na. “Stop, sige na. Magbihis ka na.”
Bahagy pa siyang nagulat na para bang napagtanto niyang, ah tama pala magbibihis pala siya. Agad naman siyang lumiko at pumasok ng walk-in closet niya.
He’s so innocent.
Makalipas ang ilang minuto kong pagmumuni, nagtaka ako kung bakit lumabas siya ng closet na gano’n pa rin ang itsura at may bitbit lang na mga naka-hanger na damit.
“Akala ko nagbihis ka na?”
“Hmm? Pumili pa ako ng damit,” inosente niyng tugon at inilapag ang mga damit sa kama. Nanlaki ang mata ko sa mga sumunod niyang aksyon. Hinubad niya ang towel na nakapulupot sa beywang niya. Por Dyos Por Santo!
Bago niya pa ma-devirginize ang mata ko eh mabilis pa sa alas-kwatro akong tumalikod.
“Miel! Ano ba! Mag-isip ka naman, ano akala mo sa’kin dito? Hangin?”
“Nah, it’s okay.”
Anong its okay pinagsasabi niya? Noong naghubad sa harap naming ang babae todo takip siya sa mata ko, eh babae naman ‘yon tapos siya ngayon, parang wala lang kung maghuhubad sa harap ko.
Pagkatapos ng mainit-init naming sandali, I mean mainit kong paghihintay sa kanya, nakarating na kami sa mall na siya ang nagdesisyon. Nandito raw kasi ang brands ng damit niya.
“You know what?” Napatingin ako sa kamay niyang nakaakbay na sa akin habang papasok kami ng mall. “I owe you again. This time not for my life but for my relationship with Dad. Knowing sometimes you can be b***h, you should have let me out from the CR looking like that, but you didn’t, so I’m very thankful.”
“Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi mo.”
“Matutuwa ka na dahil you can choose anything, and I will buy it for you.”
Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya. “I don’t help and wait for returns. And I don’t think what I did is a from of help. Its just a social responsibility.”
“You talk too much, girl. May pa social responsibility ka pang nalalaman. Why can’t you just accept my pay backs? You’re always like that. I get that you have this benevolent heart hidden from your harsh attitude, but let me do some favors for you, too. I’m so indebted to you.”
“Do it someday when I need it.”