Chapter 11

1548 Words
Nakatanga at nakasunod lang ako sa mapagpanggap na nilalang na ito habang pumipili siya ng damit niya. “Which color do you think suits me?” he asked so manly. Fine, he looks so cool right now choosing his clothes. Ang mga saleslady rin dito eh nakalimutan yatang may trabaho silang aatupagin kakatingin dito sa baklang ‘to. Pinagpalit-palit niya ang dalawang polo shirt na kulay maroon at gray. Hindi naman ako makasagot agad dahil pareho namang bagay sa kanya. “Kunin mo na lang dalawa,” sabi ko. He just shrugged his shoulder and said Okay. Okay, talk about that he can buy anything. Alas onse na ng umaga at sa ilang stores na aming napapasukan, mas marami pang damit ang nabibili niya kaysa sa akin. Walong bags lang ang bitbit ko ngayon habang ang kanya ay isang dosena. “Sigurado kang wala kanang bibihin?” paninigurado ko pa habang nakatingin sa mga bags na bitbit niya. “Hmm...I’m not sure. Let’s eat first, I’m hungry na.” Napaikot ako ng mata sa sagot niya. It is supposed to be sarcastic, but he took it seriously. Parang may balak pa siyang magpatuloy sa pagsa-shopping mamaya. “Saan tayo kakain?” tanong ko. “Let’s see,” aniya at nauna nang maglakad. Sumunod na lang din ako sa kanya. “Sana pala sinama mo si Flynn para may taga bitbit tayo,” sabi ko sa gitna ng tahimik naming paglalakad. “Tayo? Kung isinama ko man siya, akin lang ang bibitbitin niya.” “Hindi mo siya maisasama kung sa’yo lang bibitbitin niya dahil hindi ako papayag na sasama siya.” “Hmp, that was so selfish.” Inirapan niya na naman ako. Kung nakikita lang talaga ng mga tao ang maliliit na detalyeng ito sa paggalaw niya ay talagang mabubulgar siya. Pero kasi masyadong nabubulag ang mga tao lalo na ang mga babae sa pagkagandang lalaki niya. “Oh, wait.” He’s looking at a*****e for women. Ano namang gagawin niya riyan? Pipili ng bestida niya? Tsaka kainan ang hinahanap namin, lumiko na naman ng landas. “Dito tayo kakain?” pilosopo kong tanong habang tumitingin sa labas ng store. “You can, if you can eat fabric,” pabalang niya ring sagot at nauna ng pumasok. Bwisit na baklang ‘to, hmp! Sumunod na ako papasok. Iniwan muna namin sa baggage ang mga paper bags na bitbit namin. “Hmm...” Pinadaan niya ang kamay sa mga naka-hanger na pastel color dresses. Pagkaraa’y huminto siya sa isang pink color at kinuha iyon. “What do you think of this?” aniya habang pinipresenta ang bestida. Sinong magsusuot, siya? “Okay ang color.” Matagal siyang nakatingin sa akin. Okay? May dapat pa ba akong sabihin? “That’s it?” aniya na tila bitin na bitin sa komento ko. “Ano pala?” “Ikaw talaga, sinasayang mo ang p********e mo.” Nabigla ako nang hinila niya ako at tinapat sa akin ang bestida. “See? It suits you,” aniya. Paasik kong inalis ang bestida sa harap ko. “Nakita mo ba ang mga damit ko? Mukha ba akong nagsusuot niyan?” Walang kabuhay-buhay kong sagot sa kanya. “Maisusuot mo ‘to, sa first date niyo ng future jowa mo.” “Tsk. De saka na ako bibili. Baka ‘di na magkasya sa akin ‘yan ‘pag nagka-boyfriend ako. At saka gastos lang ‘yan sa pera.” “Alam mo girl, matulungin ka pero makunat ka sa pera. Para namang maghihirap ka agad ‘pag magpapalabas ka ng pera. At saka ano ka ba, akong bahala, hahanapan kita ng boylet.” “Hindi ko bibilhin ‘yan, tara na.” Iniwan ko na siya at tinungo ang baggage para kunin ang mga paper bags. “Missy?” Lumingon ako sa tumawag sa akin. A lady who just entered the store, but I don’t recognize her. I can see confusion, shock, and amazement in her eyes while looking at me. Tipid akong ngumiti, naghihintay na sana magpakilala siya. “Don’t you remember me? My god, Missy!” Nagulat ako nang niyakap niya ako. “I miss you. Where have you been? Didn’t you miss me? Nakakatampo ka, I’m Gwen, your one and only friend na nagtagal sa friend list mo dahil may pagka-bitchesa ka.” Kailangan ba talagang sabihin iyon? Every person I met that I knew me before always describes me as a sort of b***h. Am I like that before? Kahit si Mira naninibago sa kabaitan ko mula noong bumalik ako. “I really want to catch up with you, but I have a date, I’m just here to buy dress. Can we exchange numbers?” aniya at pinalabas ang cellphone. I don’t really recognize her and never did Mira nor Mama mentioned about her as my friend, but I’m interested that she knows me. Kinuha ko ang cellphone niya at tinipa ang number ko. “Let’s go?” Sabay kaming napatingin kay Miel na siyang nagsalita mula sa likuran ko. Bumaba ang tingin ko sa bitbit niyang pink na paperbag. Tsk. Binili niya talaga ‘yong dress. “Miel?” Napatingin din ako sa babae named Gwen. She knows Miel, too? Kung kanina’y may confusion, shocked and amazement ang mukha niya nang makita ako. This time, it was just pure shock for Miel. “Are you together?” tanong niya. “We shop together but we are not together like what you think,” agad kong sagot. Kitang-kita ko kasi kung paano niya tiningnan ang bitbit na paperbag ni Miel saka binalik ang tingin sa akin. Hindi na rin nakaimik si Miel. She just managed to flash a smile. “Anyway, at least I have your number. We have a long story to catch up. Talk to you, soon.” Nilampasan niya na ako at nang sa harap na siya ni Miel ay nawala ang ngiti niya. Okay, what’s the matter? Lumabas na kami ng store. “Do you know her?” tanong niya. Umiling-iling ako. “No, sabi niya siya lang daw ang nag-iisa kong kaibigan at nakatagal sa ugali ko.” “Nakatagal sa’yo? Gosh, ibig sabihin bitchesa ka talaga. See? Lumalabas na talaga ang old-self mo.” Binalewala ko na lang sinabi niya. “How about you? Parang may something siya sa’yo.” He avoided my gaze and shrugged his shoulder. “I don’t know her, too.” Lumabas na kami ng store at sa wakas, sa food court na ang ending namin. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa food court, napapaisip ako sa mahiwagang babae na ‘yon. She really knows something about me, and she has something with Miel, too. Ano kaya ‘yon? Si Miel na ang nag-order para sa amin. Pagkabalik niya ay kumain na agad kami na akala mo’y hindi pinakain. Wala rin kaming imikan. Sa kalagitnaan ng pagkain nami’y may tumapik kay Miel sa balikat at tinawag siya. “Mi.” Muntik ko nang maibuga ang kinakain nang marinig ang tawag niya kay Miel at nang makilala siya. It’s Flynn. Mabilis akong sumipsip sa soda ko. “Oh, Fi. Here you are, c’mon join us.” Hinawakan pa ni Miel ang kamay ni Flynn na nasa balikat niya. Ang sweet naman, parang gusto kong itapon sa kanila ‘tong soda ko. “What do you want to eat? I’ll order it,” tanong ni Miel pagkaupo ni Flynn sa tabi niya. Nasa harap nila ako  nakaupo. Ito rin siguro ang pinagkakaabalahan ni Miel kanina kakapindot sa cellphone niya, pinapunta niya pala ang isang ‘to. Nilapag ko ang drinks ko. “What the heck did you just call to each other?” Nanliliit ang mata kong tanong. Napangiti si Miel habang walang reaksyon naman si Flynn. “I’ll just order,” paalam ni Miel at tumayo na. “He likes it,” ani Flynn. “The what?” “Me calling him Mi and him calling me Fi.” “Damn, you’re both sick,” komento ko sa kakornihan nilang dalawa. Medyo may pagkaseryoso kasi si Flynn kaya hindi ko inaakalang pati ang gano’n ay papatulan niya para kay Miel. Ilang beses ko na silang nakakasama and as what I’ve said minsan nagiging third wheel ako while people thought it’s a love triangle. Every time they are together, I never crossed the line like questioning their label or relationship. I also never asked Flynn if he’s serious for Miel. Naisip ko na ring baka pineperahan lang ni Flynn si Miel because Flynn is living averagely while Miel is a freak. I mean freaking rich. Mas intimate at clingy kasi si Miel. I chose to shut my mouth and won’t give a damn on their flirting activities. Yes, I admit. I had a crush on Miel. Had, so it was ended. It was ended when I witnessed how gay he is. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin ayoko siyang maging kaibigan dahil kahit ako’y naging komportable na rin sa kanya. So, I think I’ll just go third wheeling on them. Hapon na kami natapos kakarampa sa mall courtesy by Miel, talagang nagpatuloy pa kami sa pagsa-shopping pagkatapos kumain at tumama nga ako sa sinabi ko kanina, naging tagabitbit namin si Flynn. Wala na ring nagawa si Miel para pigilan si Flynn. Kinilig pa nga ang bakla dahil sa sweet daw ito. Palubog na ang araw nang hinatid nila ako sa bahay. “Thanks for today, Missy girl. Don’t forget to bring the pink bag,” aniya habang nakatingin sa rearview mirror. Nasa back seat ako habang si Flynn ay nasa passenger seat at siya naman ang nagmamaneho. Isa-isa ko ng kinuha ang mga pinamili ko, dinampot ko na rin ang pink paperbag na naglalaman ng dress na binili niya. “I told you, I don’t need it, but I will keep it dahil binili mo.” “I’m telling you, you’ll need it someday.” Hindi na ako sumaggot at bumaba na ng sasakyan. We exchanged goodbyes before he drove off. Pagkapasok ng bahay ay dumiretso na ako ng kwarto. Wala sina Mama at Papa, malamang nagtatrabaho at mamaya ng gabi pa ang dating. Si Mira naman malamang nagpapakalunod sa kdrama niya sa kwarto. Inilagay ko sa carpeted floor sa harap ng kama ko ang mga bags. Pabagsak akong humiga sa kama at binuksan ang phone ko. Tinitigan ko lang ang screen. I will wait for that Gwen to call me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD