❀⊱Natalie's POV⊰❀ Lumipas pa ang dalawang oras na naging topic namin ng aking asawa ang tungkol sa nangyari sa mga lolo at lola ni Aina. Hindi namin ito sinasabi kay Nathan, ayokong masaktan siya o malungkot kapag nalaman niya na aalis na sila Aina. Pagkatapos naming mag-usap ng aking asawa ay nagtungo naman siya sa kanyang mini office dahil may tatapusin muna daw itong trabaho na kailangan daw niya sa isang araw. Ako naman ay nandito na sa silid namin ng asawa ko at inaalagaan ko ang bunso naming anak. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa mga magulang ni Aina. Biglang nanariwa sa puso ko ang nangyari sa buhay namin ni Mellard ng maulila kami sa aming mga magulang. Kay sakit na mawalan ng mga mahal sa buhay, kay hirap mawalan ng lakas at ng pinaghuhugutan ng tapang upang mabuhay sa

