❀⊱Natalie's POV⊰❀ Kauuwi ko pa lamang galing ng boutique at kasama ko ang kaibigan ko, at nakakapagod ang naging maghapon namin ni Marcia. Lagi kasing busy sa dami ng tao everyday na pumapasok sa aming store. Nakakatuwa nga dahil ibig lang sabihin nuon ay nagugustuhan ng mga tao ang mga gawa namin at ang mga ibinebenta namin. Isa pa ay laging nanduon ang mga taga Venum at ang mga Hendrickson. Isa na rin siguro 'yon sa dahilan kung bakit dinudumog kami ng mga tao, pero ang nakakatuwa ay umaalis sila ng shop namin ni Marcia na may bitbit na paper bag. "Besh, iwanan ko na lang dito ang mga bag na ito. Kailangan ko na rin kasing umalis dahil susunduin ko si nanay sa isang boutique ko. Siya kasi ang nanduon ngayon at ang mga staff ko. Alam kasi nila na busy tayong masyado sa BGC kaya hindi na

