Chapter 3: Stripper

1501 Words
"Uuwi na ba tayo, anak?" Mahinang bulong ng Nanay Erlinda niya. Pilit siyang ngumiti bago umiling. "Hindi po Nay. Ililipat po kita sa mas malaking ospital." Humikbi naman ito bago umiling. "Wag na anak. Uwi na lang tayo. Ayos lang ako. Mag-iingat na ako sa susunod." Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga sabay yuko para pigilan ang sarili niyang maiyak. Nang mag-angat siya ng tingin, agad niyang ginagap kamay ng kanyang nanay at masuyo iyong pinisil. "Hindi po tayo uuwi hanggat hindi kayo gumagaling, Nay." "P—pero wala tayong pera anak..." Nanghihina nitong ani. Mariin siyang napapikit kasabay ng pagragasa ng kanyang pinipigilang luha. "Gagawa ako ng paraan Nay. Ang tanging gagawin niyo lang ay magpagaling. Ako na ang bahala sa lahat." Pinisil nito ang kanyang kamay dahilan para mapatingin siya dito. "Vivoree, matanda na ako. Alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal. Huwag na nating ipilit anak. Magsikap ka na lamang para sa kinabukasan mo. Masaya akong makita kang nasa maayos na kalagayan sa hinarap." Napalunok siya. Kahit anong gawin niya, patuloy parin ang kanyang mga luha sa pagpatak. "Sobrang laki ng naging sakripisyo niyo sakin noong mga nakaraang taon, Nay. Hayaan niyo naman akong makabawi sa inyo," himig pagsusumamo niyang sambit. "Ayoko lang na mahirapan ka, Vivoree." Subalit kahit ano pang kumbinsi ang sasabihin ng Nanay Erlinda niya, buo na ang pasya niyang ipagamot ito. Matapos ang naging pag-uusap nila, ibinilin niya kay Roda ang kanyang ina. "Saan ka naman hahanap ng pera Vivoree? Alam mo namang hindi pa kayo nakakabayad sa iba ninyong utang, diba?" Nag-aalala nitong tanong. Marahan siyang napabuga ng hangin. "Susubukan ko kay Ella, Roda. Baka sakaling mapahiram niya ako," tukoy niya sa baklang kapit-bahay lang nila sa lugar na tinitirhan nila. Napangiwi naman si Roda sa naging sagot niya. "Seryoso ka ba? Alam mo namang mandurugas ang baklang yun, V! Baka mamaya niyan lokohin ka lang nun." "Wala na akong ibang choice Roda. Gaya nga ng sabi mo, marami pa kaming utang na hindi nababayaran kaya malamang walang magpapahiram sakin. Si Ella na lang ang nakikita kong pwede kong mapakiusapan." Nagpakawala ito ng isang buntong hininga bago tumango. "Sige, lumakad ka na. Ako na munang bahala sa Nanay mo." Tipid siyang napangiti bago niyakap ang kaibigan. "Maraming salamat, Roda." "Asus, ito naman parang others. Umalis ka na nga para maaga kang makadiskarte," pagtataboy nito sa kanya. Sinulyapan niya si Nanay Erlinda na nakahiga sa hospital bed nito bago umalis ng ospital. Agad siyang pumara ng jeep at nagpahatid sa apartment ni Ella. Nakailang katok pa siya bago nagbukas ng pinto ang bakla. Nang makita siya nito, agad na umangat ang isang kilay ni Ella. "Anong atin, Vivoree?" Maarte nitong tanong. Nagtatrabaho sa club si Ella. Kilala na niya ito mula pa noon at sa pagkakaalam niya, marami itong raket na big-time kung magpasweldo. Yun nga lang minsan hindi ito maasahan sa usapang pera pero matino naman king minsan. Sana lang maawa ito sa kanya at hindi siya lokohin. "Ella, b—baka pwede mo akong tulungan. Naospital kasi ang Nanay ko." "Oh, tapos?" Napalunok siya. "Kailangan ko ng malaking halaga. B—baka may raket kang pwedeng ipagawa sakin." Sandali siya nitong tinitigan bago niluwangan ang pagkakabukas ng apartment nito. "Pasok ka. Sa loob tayo mag-usap." Sumunod siya sa binabae at umupo sa sofa na nasa salas. Pumwesto naman ito sa isa pang upuan paharap sa kanya. "Kailangan mo ng raket?" Sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Sigurado kang okay lang sayo kahit ano?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong. Ilang sandali pa siyang natahimik subalit maya maya lang ay tumango siya. Para sa nanay niya, gagawin niya ang lahat. "Kahit ano, Ella." Huminga ito ng malalim bago pinagkrus ang mahabang binti. "Marunong ka namang sumayaw diba? Naalala ko bago ka nawala dito sa lugar natin noong mga nakaraang taon, dancer ka sa school." Alanganin siyang tumango. "Kung ganun, may raket akong ibibigay sayo. Sasayaw ka sa isang bachelorette stag party," anunsyo nito dahilan para matigilan siya. "S—stag party?" Tumango si Ella. "Yes. Wala ka namang ibang gagawin, sasayaw ka lang. Sayo ko ibinigay to dahil magkakilala naman tayo. Kilalang mga personalidad ang makakasalamuha mo Vivoree kaya wala kang dapat ipag-alala. Hindi mga bastos yun ayun sa source ko. Actually, gagawin ka lang nilang panakot sa groom." Bahagya siyang nakahinga ng maluwag sa narinig. "Magkano naman ang kikitain ko sa pagsayaw?" "Hmm, One hundred thousand ang ibabayad kaso may cut yan sa nagbigay kaya fifty thousand na lang ang sayo. Ano, game ka ba?" Nakangiti nitong tanong. Humugot siya ng hangin bago tinanguan si Ella. "Sige, gagawin ko, Ella, basta sigurado ang magiging kita ko," puno ng determinasyon niyang ani. Pumalakpak naman sa ere ang bakla. "Pak na pak. Konting ayos lang sayo, pwede na!" "Kailan nga pala ako sasayaw?" Kinakabahan niyang tanong. "Bukas ng gabi kaya kailangan bukas ng hapon nandito ka na para maayusan kita at maaga kang mapick-up ng contact natin." Matapos silang mag-usap ni Ella, agad niyang nilisan ang apartment nito at nag-abang ng jeep na masasakyan. Napalingon pa siya sa gilid ng kalye kung saan nasisinghot niya ang mabangong amoy ng bagong lutong fishball. Hindi tuloy maiwasang kumulo ang kanyang sikmura pero dahil nagtitipid siya, pinili niyang inignora ang gutom na nararamdaman at sumakay na lang ng jeep paalis... ..... "Dude, alam mo bang may hinandang sorpresa si Xerxes sa groom to be natin?" Salubong ni Zeus kay Tristan habang naglalakad siya palabas ng airport. Masyado siyang naging abala nitong mga nakaraang buwan sa negosyo nila lalo pa't may problema sa branch ng Liu Plaza sa Beijing. "Anong sorpresa ba yan?" Kaswal niyang tanong. "The idiot is hiring a stripper at Vincent's bachelorette party! Ngayon palang excited na ako kung ano ang magiging reaksyon ni Vincent gayong takot na takot iyon kay Mari," natatawa pang kwento ni Zeus. Siya man ay natawa na rin. He knows how inlove Vincent is to his future wife. Sigurado siyang tatakbo ito palabas ng hotel kapag nalaman nitong may stripper sa party. "Siraulo talaga yang Xerxes na yan ano?" Komento niya. "You said it right. Ako lang naman ang matino sa'ting lahat eh," mayabang na ani Zeus. Napailing na lang siya. "Isa ka pa!" Sabay nilang nilisan ang airport. Dumiretso muna siya sa kanyang bahay para magpahinga. He'll have a two days break bago bumalik sa pagtatrabaho. Pagkarating niya sa kanyang silid, nakita niya ang wedding invitation sa kasal ni Vincent. Dahan dahan niya iyong dinampot at tiningnang maigi. He can't help but get envy with his friend. Sa wakas, lalagay na ito ng tahimik sa ikalawang pagkakaton. Vincent's first marriage may have failed, sigurado siyang hindi na iyon mauulit sa ikalawang pagkakataon. Si Mari ba naman ang mapapangasawa ng kaibigan niya. Nang maalala niya si Mari, hindi niya maiwasang makaramdam ng pait sa kanyang dibdib. Hindi siya nito binigyan ng pagkakataong maging parte ng buhay nito pero sa kabilang banda, tanggap naman niyang hindi talaga ito para sa kanya. Masaya siya para sa dalawa. Siguro ang pait na nararamdaman niya ay para sa iisang tao lamang na naalala niya sa katauhan ni Mari. Napailing na lang siya at ibinaba ang invitation card. Wala siyang makapa sa kanyang dibdib kundi puro galit lamang para sa taong iyon. Wag na wag lang itong magkamaling magpakita sa kanya ulit... Vincent's bachelorette party came. Halos sabay-sabay lang din silang nagdatingan. Almost all of them knew what was going to happen but they kept their mouth shut. Napalingon siya sa box na nasa isang gilid ng hotel room. Sigurado siyang naroon na ang sorpresa ni Xerxes para kay Vincent. Huling dumating ang lalaki kaya kinantywan pa nila ito na baka umiskor pa. "Tangína! Napakatsimoso niyo," masungit nitong asik bago naupo sa tabi niya. "Cheers sa pagiging under de saya ni Vincent!" Malakas na sigaw ni Zeus. "Under ka pala Vincent?" Tanong ni Terrence sa nakakalokong boses. Pinukol naman ito ng masamang tingin ng huli. "Ikaw ba hindi. Umiyak ka nga nung iniwan ka ng asawa mo." "Tanginà. Namemersonal na ang gago," natatawa namang sagot ni Terrence na mukhang galing pa yata ng Mindanao. They drank and talk about Vincent's pasts nang pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin. The crazy Xerxes Spade Solace began slow dancing like a stripper na ikinangiwi ni Vincent. "f**k! Ang sagwa! Ipapatake down ko yung palabas mo sa istasyon ko gago!" Singhal nito na ikinatawa nila. Maya maya pa'y dahan dahan ng bumukas ang box dahilan para matigilan ang katabi niya. Malambot na umindayog ang pang-upo ng sinumang inihire ni Xerxes kasabay ang malanding tugtog. "Shít! Bakit may babae?!" Natatarantang sigaw ni Vincent. Mas lalo lang silang nagtawanan lalo pa ng tumayo na ito at tumakbo patungo sa pinto. "Bahala nga kayo sa buhay niyo! Mga sira ulo!" Anito bago tumakbo palabas. Napailing na kang siya habang may tipid na ngisi sa labi na unti-unti namang napawi nang mamukhaan niya ang babaeng sumasayaw sa harapan nila! Fúck! So the bítch has upgraded into a stripper huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD