Mutya POV “Umuwi na tayo.” wika ni Drake. “Pasensya na kung nakalimutan kong pirmahan. Kung ganyan ka ka-atat na madivorce saken sana dinala mo na lang yung papel tutal papunta ka rin naman pala rito.” mahina kong tugon dahil ayaw kong marinig ng kambal ang usapan namin. Itinuloy ko lang ang pagliligpit upang iwasan siya at baka pagsalitaan na naman niya ako ng masasakit. Andami pa namang tao rito. Hindi pa rin umaalis ni Drake at nakamasid lang ito sa akin. “Hindi mo ba ako sasandukan ng pagkain? Sabi ni mommy ikaw raw ang nagluto ng lahat.” wika ni Drake. Napatingin ako sa kanya. Himala, mahinahon yata siyang magsalita ngayon. Kagabi lang ay kung ano-anong panlalait ang sinabi nya sa akin. Umalis lang ako sa condo gumanda na agad ang mood nito. “Hindi ka naman kumakain ng luto ko

