Mutya POV Sa isang public school sa Liliw Laguna pala ginaganap ang volunteer program. Hindi ko inaasahan na ganitong karami ang mga mga taong daratnan namin. Marami rin ang mga volunteers na dumating. Humiwalay sa amin si Andrew at nagtungo ito sa medical volunteer group. Kami naman ni mommy Agatha ay naiwan sa grupo ng mga nag-aasikaso ng mga relief goods. Nadatnan na namin silang nagbabalot ng mga ipamimigay na pagkain at damit. Napansin ko na parang kilalang kilala na si mommy Agatha sa lugar na yun. Magiliw ang lahat ng tao sa kaniya. Kita ko rin kung gaano kasaya at kaaliwalas ang mukha ni mommy Agatha simula ng dumating kami dun. Hindi mo aakalain na kahit napakayaman nito ay napakababa ng kanyang kalooban. Simpleng pants at t-shirt lang ang suot nito at wala itong kakiye kiyemen

