Mutya POV “Did you enjoy my brother’s company?” Napalundag ako sa gulat ng marinig ang malamig na boses ni Drake. Hindi ko siya nakikita dahil patay ang ilaw. Ngunit parang sa living room nanggagaling ang boses nito. Nakahanda na akong marinig ang mga pang iinsulto niya. Tutal ay huling gabi ko na naman dito kaya insultuhin na niya ako hangga’t gusto niya. Tuloy lang ako sa paghubad ng aking sapatos. Hindi ko kailangang magmadali kagaya ng nakagawian ko na kapag nagagalit si Drake ay tatakbo ako upang iwasan siya. Naglakad ako patungo sa aking kwarto. “Did you like my brother’s kiss?” hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin at mabilis niyang nahawakan ang aking braso dahilan para mapahinto ako. “Was his kiss better than mine?” naamoy ko ang alak mula sa kaniyang hininga. Las

