Chapter 37 Loren Agatha Nang makabalik si Mrs. Aldama ay may dala na siyang mga cookies, May kasunod siyang isang katulong na may dala namang juice. "Ah, Anny, Pakidalhan din ng cookies sina Sir Ren mo at si Shin sa salas." Nakangiting sabi nito sa katulong. Ah, so nasa salas pala sila ni Mr. Aldama. Akala ko ay may kinuha lamang siya sa cotse niya. "Mrs. Aldama- "Ano kaba! Tita Jordan na lang." She said at naupo sa upuan na katapat ng sa akin. "O-Osige po." "Boyfriend mo ba si Shin? Kasi parang lagi mo siyang kasama? Noong umalis ako nang huling pag-uusap natin ay nakita kong nakatingin siya sa 'yo pero hindi ka niya nilalapitan, Bumalik kasi ako noon para sana sabihin sa 'yo kung saan ang puntod ni Marti pero nakita kong nandoon din siya sa coffee shop na 'yon at nakatingin sa

