Chapter 36 Loren Agatha Tahimik ang sasakyan at wala kaming imik pareho ni Kade Shin, Hindi ko alam pero naiinis pa rin ako sa kanya. Hindi kasi mawala sa isip ko na pati siya ay ganoon din ang iniisip katulad ng mga pulis na nagtanong sa amin. "Loren." Medyo nagulat pa ako ng bigkasin niya ang pangalan ko. "B-Bakit?" Damn Loren Agatha! Nauutal ka pa! "Baka dumugo na ang ibabang labi mo kakakagat mo." He said seriously. Doon ko lang din napagtanto na kanina kopa pala kinakagat ang pangibabang labi ko. "Ts. Pakialam mo?" Sabi ko nalang para maiwasan ang kabang nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim at itinuon ang paningin ko sa bintana. Ito ang pangalawang beses na magkikita kami ni Mrs. Aldama at sa bahay pa nila. Kinausap ko siya kaninang umaga kung maaari ba akong dumalaw sa

