Chapter 3

1328 Words
Chapter 3 -- The plane landed safely, Matapos makalapag nito at makalipas ang ilang minuto ay nakababa na sila inasikaso na ng mga medics ang bata at inaresto narin ang lalaking nagmamay-ari ng baril. Loren adjusted her shades hindi ito ang unang beses na dadalawin niya ang Lolo at Lola niya dahil taon-taon naman ay humihiling ang mga ito na mamalagi siya doon kahit dalawang araw lamang sa loob ng isang taon. "Miss!" Naglakad siya na parang siya lamang ang tao sa airport hindi niya nililingon ang mga taong nakatingin sa kanya, Bakit nga ba nakatingin ang mga ito sa kanya? "Sandali lang!" "Miss! Are you deaf?!" Ah kaya naman pala nakatingin.. Loren turned her back at nakita niya iyong piloto kanina. "What are you doing here?" She asked. Ano nga bang ginagawa ng pilotong iyon doon at bakit siya nito tinatawag? Siya nga ba ang tinatawag nito?  Napalingon siya sa paligid niya at sa lalake. "What do you need from me?" She asked. Kanina inis na inis siya sa inasal nito muntik na talaga itong tamaan sa kanya buti na lamang at napigilan niya ang sarili niya. "Ah.. Kase you forgot this." Sabi nito at inabot sa kanya ang isang panyo. "Hinabol moko para lang isauli ang panyo ko?" She said. "Ang sweet diba?" The guy said and smiled. Lumabas tuloy ang mga biloy nito sa gilid ng labi nito. Loren take the hanky at tumalikod na rito.  Ganoon ba lahat ng piloto? Hindi naman diba?! Tsaka bakit pa ito mag-aaksaya ng oras at tumakbo pa ito para habulin lang siya dahil sa naiwan niyang panyo? Ganoon ba kahalaga ang panyong iyon sa kanya? Hindi naman diba? At tsaka bakit ba naghuhuramentado ang isip niya?  Because he's a jerk! "Miss Thomas!" Hindi lumingon si Loren at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. "Ano pabang kailangan niya? ts." She said to herself, That man annoys the hell out of her. Bakit ba siya naiinis sa presensiya ng lalakeng iyon? Ah, Maybe siguro dahil sa inasal nito sa loob ng eroplano at dahil unang beses niya din mapagsalitaan ng ganoon. Unang beses na may nakipagtalo sa kanya. "Loren Agatha Thomas!" Loren gritted her teeth. Napakakulit ng lalakeng iyon! Nang muli siyang humarap dito ay nakangiti ito. "Ano pa bang kailangan mo?!" "Woah.. Galit ka na agad?" She bit her lip. Naiinis na siya talaga! Konting-konti nalang ang natitira sa pasensya niya. "Mister, I don't know who you- "I'm Shin, Kade Shin De Vile" He said smiling. Aba! Hindi manlang siya nito pinatapos sa pagsasalita!  "Look Mister.. " Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "..Kade Shin De Vile" "Nagmamadali ako, I don't have time to chitchat with you. Kaya pwede ba?" She said and rolled her eyes. "Totoo nga, suplada." She heard the guy murmured. "May sinasabi ka?" Tanong niya dito habang nakataas ang isa niyang kilay.  Narinig naman niya talaga ang sinabi nito, At talaga namang nakakainis dahil mukhang pinaglalaruan lamang siya nito. "Kung wala ka nang kailangan mauna na ako." She said at tumalikod na ulit pero bago pa siya tuluyang makapaglakad ay pinigilan na siya nito sa kamay. "Sandali- Ngunit ng mapatingin siya sa kamay nito ay agad din nitong binitawan ang kamay niya. His hand is cold. Hindi normal ang lamig ng kamay niya para sa isang tao.  Nasabi niya sa isipan niya. "I- Sorry.." Sabi nito na napapakamot pa sa batok. "Sige na wala nakong sasabihin makakaalis kana." Sabi nito, Ngunit nanatili pa siya ng ilang segundo at pagkatapos ay tinitigan ito sa mga mata. "What are you doing?" The guy asked her, Pero hindi niya ito pinansin tinitigan niya lamang ito sa mata, Para kasing may iba sa mga mata nito. His eyes ..  "Tell me are you wearing contacts?" Nang sabihin niya iyon ay agad itong umatras palayo sa kanya. "Oo, anong problema mo don?" Sabi nito. Oo nga? Anong problema niya doon? Hay! Loren didn't say anything at naglakad nalang siya paalis at sa pagkakataong iyon hindi na siya huminto, Hindi na siya tinawag nito. Nang makarating siya sa bahay ng lolo at lola niya agad niyang pinuntahan ang mga ito. "Grandma." Tawag niya sa matandang nakatingin sa kalangitan. "Agatha hija.." Nang makita siya nito ay napatayo ito na agad naman niyang inalalayan.. "Hi.." She said and kissed her Grandma's cheeks. "Where's Lolo? nasa likod?" She asked happily. Sa mga ito at sa Papa niya lamang siya nagpapakita ng ganoong attitude because she trust them. "Yes, Alam mo naman iyon mas mahal pa ata niya ang mga halaman niyang tanim kaya sa akin." Well ganoon naman talaga ang Lolo niyang iyon kahit noong bata pa siya, Dito nga siya natuto na maaaring gawing gamot ang mga plants na itinatanim nito, Siya mismo kase ang gumagawa ng mga gamot nito pinag-aralan niya iyon dahil ang nais ng lolo niya ay mga halamang gamot ang ginagamnit niya sa tuwing magkakasakit ito. "Osiya apo alam ko namang pagod ka sa byahe magpahinga kana kaya?" "I'm fine Grandma, Puntahan ko lang po si Lolo.." Sabi niya. Habang papunta siya sa likod bahay ay napatingin siya sa paligid. "Walang pinagbago.." Bulong niya. Ang ayos ng bahay ay ganoon padin, Ang dekorasyon  walang pinagbago maski na ang kinalalagyan ng mga halaman sa loob ng bahay.. Para siyang bumalik sa nakaraan noong bata pa siya.. "Dad.." "Daddyyy!" "Hyaaaa! Huli ka baby!" "Kyaaaa Dad! let go of meee!" "Noooo.." Napatingin siya sa sala naalala niya ang taong nakapulot sa kanya sa tabi ng daan.  "Dad, Sabi mo diba anak ako ng isang  mayamang tao? Paano na kung dumating sila at kunin ako?" Noong bata siya hindi ipinagkait sa kanya ni Marti ang katotohanan, Na hindi sya tunay na anak nito. "Sasama ka sa kanila ng kusa because they're good. Your Papa is Good." Her Dad tickle her. "Kyaaah Dad it tickles!" "Kaya.. Kung mawala man si Dad may papalit pa rin na mabait sa akin.." "Hahahaha Dad.. s-stop.. hahaha s-stop it." Napapikit siya sa ala-alang iyon. Her Daddy Marti never cameback after that Day. Matapos nitong pumunta ng araw na iyon ay hindi narin ito nakabalik pa palaisipan pa rin sa kanila kung nasaan ito dahil sa hindi nito pagpapakita. Her dad is a scientist, Hindi man ito ang tunay niyang ama ay mahal na mahal niya ito, Inalagaan siya nito at hindi pinabayaan, dito niya naramdaman ang tunay na pagmamahal. "Nasaan ka naba Dad? 12 years na pero ni anino mo wala kaming makita.. And tama ka mabait nga ang tunay kong Ama, Dad namimiss na kita." "Sana kung nasaan ka man ay okay ka lang.. Until now hinihiling ko parin na sana ay buhay kapa, Sana magkita ulit tayo.. Umaasa pa rin ako." "Mula nang mawala ka nagbago nako, Nagbago na ang lahat.. You take away my happiness with you, Parang sa bawat oras, araw at taon unti unti kong nakakalimutan ang salitang kaligayahan, Lagi akong galit, I never smile to anyone dati ang turo mo sa akin laging ngingiti sa mga tao pero ngayon.." Loren sighed. "Ang hirap Dad.." -- "Bossing." Napadilat si Shin ng tawagin siya ng kasama niya sa bahay na si Parker. "Ano?" "Badmood ka ata ngayon?" Tumagilid si Shin ng higa at may kinuha sa bulsa niya. "Oh teka ano yan?" "Teka sino ang mga iyan?" Tanong nito sa mga nakikita sa larawan. "Pamilya ko." Sabi niya ng maigsi dito. "Eh Bossing akala ko ba wala kang pamiyla? Gulo morin eh." Sabi nito at inilapag sa gilid niya ang isang kopita. "Inumin mo na nga lang iyan baka gutom lang iyan." Sabi nito at umalis na. Bumangon si Shin sa pagkakahiga at tinanggal ang contact lens niya. Kinuha niya ang kopita sa gilid at inamoy ang laman niyon. "Hayp na Parker sinabi nang sariwa at bago ang ibigay sa akin sigurado akong ito pa iyong nakalagay sa ref kagabi." He said and drink the blood. Mula sa salamin ay nakita ni Shin ang kanyang sarili. Red eyes. Fangs, and Pale skin. He didn't know kung bakit ganoon ang naging katauhan niya matapos lahat ng nangyare sa kanya. Ang alam lamang niya ay may isang bagay noon na nakaimplanta sa puso niya kaya't lagi silang nasasangkot sa gulo ng Mama niya at ang naging dahilan ng pagkamatay ng Lola niya. "Nicholas! Nooo!" "Baby Nooo! Fck Ren! Let go of me! mamamatay si Nick!" Shin close his eyes. Parang kahapon lamang nangyari ang bagay na iyon. "Bella it's too dangerous! the whole house is burning!" "B-Bitiwan moko! *sob s-si Nic.. H-Hindi ko kaya kapag pati siya nawala pa.." "Anak! Nicholas!" Muling napatingin si Shin sa larawan na taban niya. "Mama.." He said and smiled. "I'm sorry if I have to burn our house and run away, It's too dangerous if I stay with all of you.." "Danger will never leave all of you if I stay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD