Chapter 45 Kade Shin Time stop for me. Tulala akong nakatingin sa kwarto kung saan ipinasok si Loren. Halos wala nang buhay ang katawan niya ng ibaba ko siya sa stretcher. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi suntukin ang pader na kinasasandalan ko. Fck. Bakit ngayon pa kung kailan hindi naging maganda ang paghihiwalay namin kanina? Sht. "Shin!" Nanginginig ang katawan ko sa galit. Gusto kong pumatay. Gusto ko silang ubusin lahat, lahat ng sangkot sa pangyayaring ito kay Loren. Tangina. Hindi ko sila bubuhayin. Wala akong ititirang buhay sa kanila. "Kade." Napalingon ako sa boses na iyon. Hindi ko ineexpect na pupunta sila rito. "T-Tito Ren.." I said. Nasa likod niya si Mom. Ito pala ang unang tumawag sa akin kanina. Just by looking at her face kitang kita ko dito ang pag-aala

