Chapter 44 Kade Shin Wala akong nagawa nang talikuran na ako ni Loren. Hindi ko masabi sabi sa kanya ang matagal ko nang itinatago. Marti , I'm sorry. Sinabi ko sayo noon na sa oras na makita ko ang anak mo ay sasabihin ko agad ang nangyari sayo at ang ginawa ko pero natatakot ako. Takot na takot ako na baka kamuhian niya ako Marti. Mababaliw ako kapag iniwan ako ni Loren. "Boss.." Napansin na ata ni Parker ang hindi magandang mood ko. Dapat masaya ako dahil tutulungan ako ni Tito Ren para mahuli ang mga may pakana ng lahat ng ito. Alam na niya na ako si Nicholas at nangako siya na hindi niya muna ito sasabihin kay Mom. "Nicholas." "T-Tito." Agad akong kinabig ni Tito Ren at niyakap ako. "Sht. Kid. You're alive. My wife would be so fckng happy." "Nagduda na ako sayo noong hindi k

