THIRD PERSON Nanginginig ang mga kamay ni Kany habang yakap ang URN ni Knight. Tatlong araw mula ang nangyaring sunog ng eskwelahan at police station. Ngayon ang araw na kailangan nang bitawan ni Kany ang URN ni Knight. Nang pina autopsy nila ang sunog na katawan na nakuha nila sa loob ng police station positive na si Knight ang sunog na katawan. Nanginginig ang buong katawan ni Kany kasabay ang sunod sunod na pagdaloy ng kaniyang mga luha sa mata. Lahat sila hindi makapaniwala na darating ang araw na 'to na ihahatid nila si Knight sa huling hantungan. Hindi akalain ni Kany na ganito ang mangyari kay Knight parang kahapon lang magkasama silang masaya habang nag-uusap ng kanilang mga plano pagkatapos ng kanilang kasal. Parang kahapon lang pina-plano pa nila ang pangalan ng mga magiging a

