THIRD PERSON "MOO, I love you! Lagi mo'ng tandaan na kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Pasensya kung hindi na muna ako makapunta diyan ngayong gabi. May tatapusin lang ako, Moo. Promise kapag kasal na tayo, sa iyo na ang oras ko at nang magiging anak natin. Sige na, Moo matulog ka na." Malambing sa sabi ni Knight sa kabilang linya habang kausap si Kany. Ngunit parang kinabahan si Kany sa sinabi ni Knight. Kanina niya pa naramdaman na parang may kakaiba sa kini-kilos ni Knight ngunit pilit na binaliwala niya lamang ito. Dahil baka nga excited lang si Knight sa kanilang kasal. Para kasing nagpapaalam si Knight basi sa kaniyang pananalita. "Moo, I love you too. Miss na kita. Saka mahal na mahal din kita. Sige mag-ingat ka ha! Magpakasal pa tayong dalawa at gagawa ng maraming baby."

