KANY ----AFTER FIVE YEARS --------- Pag landing ng eroplano dito sa Laguindingan airport. Mabilis ang mga hakbang ko, palabas nang eroplano. Nakipag siksikan ako sa mga kapawa ko pasahero sa pagkuha ng aking mga maleta. Pagkatapos kong makuha, kaagad akong nag-abang ng taxi papunta sa Agora terminal para papuntang Cotabato. Mabuti nalang maraming naghihintay na taxi sa labas ng airport kaya nakasakay kaagad ako patungong Agora. Para duon sumakay ng Van papuntang Cotabato kung saan nasa hospital ngayon si Knight. Mabuti nalang naka schedule na ang flight ko papunta dito. Gusto ko sanang i-surprise si Knight ngunit na baril pala sila ni Val. Kasal sana ni Ate May at Kuya Rodel at sila ni Val ang kasama ni Ate May sa sasakyan papunta sa simabahan. Ngunit tinambangan sila sa daan. Kaya pala

