KANY "Moo, ma mi-miss kita, sana mahintay mo ako. Pero kung may makita kang iba, kahit masakit sabihin mo lang sa akin tatanggapin ko." Kausap ko kay Knight, bukas na ang balik namin nina Mama at Papa sa Canada. Umpisa na ng klasi ko, kaya kailangan ko na talagang bumalik. Mabuti binigyan kami ng oras nina Mama, Papa at Kuya Jonathan para makapag usap ni Knight. Hindi ko mapigilan na umiyak. Unang lalaki kong minahal si Knight. Liberated man ang kinalakihan kong lugar ngunit maayos naman ang pagpapalaki ng mga magulang ko sa akin. Kaya hanggang sa naging college at nag bakasyon ako sa Pilipinas. Hindi ko pa nagawang makipag relasyon. Dahil naka pokus ako sa aking pag aaral. Ngunit nang makilala ko si Knight biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Saka gusto ko siyang makita araw araw

