CHAPTER EIGHT

1211 Words
KANY Kay ganda ng gising ko dahil kasama ko si Knight kagabi. Kahit gabi na ako nakatulog, maaga ako'ng nagising dahil good mood ako. Hindi pa muna ako bumangon, tiningnan ko muna ang selpon ko. Nang makita ko na may message si Knight, parang nag star star ang aking mata sa kilig. Na para ba'ng kumplito na ang umaga ko, kahit text lang ang matanggap ko galing sa kanya. Kaagad ko'ng binuksan upang basahin. "Good morning, K. Sana maganda ang tulog mo kagabi at pag-gising mo ngayong umaga." Basa ko sa text ni Knight. Niyakap ko ang cellphone ko at nagpa gulong-gulong sa kama. Muntik pa ako'ng mahulog nang napa sobra ako sa pag-ikot. Nasa gilid na pala ako ng kama. Kung makikita lang siguro ako ni Mama baka na kurot na ako sa singit. O kung si Kuya Jonathan naman baka kunin pa ang cellphone ko. Bumangon ako saka sumandal sa kama. Pagkatapos nag type ng reply kay Knight. "Good morning too, Knight. Kagigising lang, saka okay naman ang tulog ko. Salamat ulit sa pagsama sa akin kagabi." Reply ko kay Knight. "Mabuti naman, ako maganda din ang tulog at gising ko dahil nakasama at napa naginipan ko ang magandang babae." Reply ni Knight. Kahit hindi sinabi ni Knight na ako ang sinasabi niya na magandang babae. Tumili ako at tumalon talon sa kama. Tumunog ulit ang cellphone ko, kaya tumigil muna ako sa pagtalon sa ibabaw ng kama "Pupunta ka ba ng shop? Gusto mo sunduin kita diyan at ihatid sa shop?" Basa ko message ulit ni Knight. "A-E, tingnan ko muna kung nakauwi si Kuya. Papasok ako ngayon sa shop, kung nakauwi si Kuya Jonathan kagabi siya siguro ang maghahatid sa akin. Pero kung wala text nalang kita. Pero baka maka disturbo ako sa iyo. Maraming trysikel naman sa labas." Reply ko. Pero sa isip isip ko sana wala si Kuya at sasabihin ni Knight na gusto niya ako'ng ihatid. "Okay, K. Kahit nan'diyan si Chief gusto pa rin sana kitang sunduin. Magpaalam ako sa kanya, total wala naman ako'ng duty." Reply ni Knight. Parang hindi na talaga ako makahinga sa kilig. Pinaypayan ko pa ang aking mukha. Ito ba ang love na sinabi nila? Na kahit text lang sobra ang kilig na naramdaman. Kausap ko sa aking isipan. Nang kumalma na Ang pakiramdam ko, nag type ako ng reply kay Knight. "Knight, maghahanda muna ako. Mamaya text nalang kita kung wala si Kuya." Message ko kay Knight saka bumaba na kama. Pumasok ako sa banyo para maligo. After 15 minutes na pagligo ko, nagbihis na rin ako saka nagsuklay ng buhok. Nang okay na ang ayos ko, sinukbit ko na ang sling bag ko, saka lumabas ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan, naka-amoy ako ng mabango na pagkain galing sa kusina. Kaya dali-dali ang hakbang ko pababa ng hagdan dahil alam ko'ng si Kuya Jonathan. Pagdating ko sa kusina, si Kuya Jonathan nga. "Kuya, Good morning. Nandito ka pala Kuya? Akala ko hindi ka nakauwi. Anong oras ka umuwi Kuya? Sana nagpahinga ka muna, ako nalang sana ang nagluto." Ani ko nang makalapit ako kay Kuya Jonathan. " Good morning, sweetie. Kararating ko lang, nagluto nalang ako para pagkatapos kumain saka na ako matulog. Kamusta ang lakad niyo kagabi? Nag enjoy ka ba? Anong oras ka hinatid ni Rodriguez at Mendrano?" Tanong ni Kuya. Nagtaka ako kung bakit tinanong ni Kuya si Val. Ang akala ko tinawagan niya kagabi sabi ni Knight. Ngunit hindi ko na sinabi baka iyun ang sinabi ni Val kagabi kay Knight. Pero ang totoo hindi na talaga siya bumalik dahil wala naman si Virgo. "Alas diyes Kuya. Sobrang dami ng tao sa grandstand. Kaya hindi na kami nanuod ng banda. Naglibot lang kami sa perya saka kumain ng street foods. Pagkatapos umuwi na kami kaagad." Sagot ko. "Okay, kaya pala hindi ko kayo nakita kagabi. Pumunta din ako sa grandstand para tingnan kung maayos ang siguridad. Siya nga pala, kumain ka na para maihatid kita sa shop." Yaya ni Kuya. Corned beef na may patatas, hotdog at bacon ang niluto ni Kuya. "Salamat Kuya. Pero Kuya okay naman na mag trysikel nalang ako. Magpahinga ka nalang Kuya." Ani ko. Saka kumuha ng dalawang plato. Pinagtimpla ko na rin si Kuya ng kape. Pagkatapos sabay na kaming kumain. "Di ba ihahatid mo ang mga pasalubong mo sa kamag-anak natin sa Davao. Since walang duty si Rodriguez at Mendrano pakiusapan ko sila na sila nalang ang sasama sa inyo ni Virgo. Bukas mo na ihatid ang mga pasalubong sa Davao. Hindi kasi ako maka-alis dito, may meeting kami ni Mayor bukas. Saka darating si Gov. at vice Gov. Kaya wala talaga ako'ng oras na samahan ka, dahil sa mga susunod na mga araw maging busy na ako. Kaya naisip ko na si Rodriguez at Mendrano nalang ang kasama niyo ni Virgo. Para makapamasyal rin kayo sa mall ni Virgo. Bigyan ko kayo ng allowance. Nasabi ko na rin kay Mama kagabi na pupunta kayo bukas." Wika ni Kuya habang kumakain kami. Parang nagliwanag ang aking mata sa sinabi ni Kuya. Parang gusto ko na tuloy maging bukas na kaagad. I love you na talaga Kuya. Sa isip isip ko. Pero kailangan na hindi mahalata ni Kuya na gustong-gusto ko makasama si Knight. Uminum muna ako ng tubig bago nagsalita. "Ay ganun ba Kuya? Pero Kuya baka nakahihiya sa trainee mo. Pwedi naman mag bus kami ni Virgo." Ani ko. "Mahirapan kayo mga bus, lalo pa na tatlo ang dala mo'ng malaking luggage. Don't worry kakausapin ko mamaya silang dalawa. Tiyak na hindi naman sila tatanggi. Mabait at masipag silang dalawa. Next week nga hindi na sila trainee kundi isa na talaga silang PO1. Nakikita ko sa kanilang dalawa ang determination at isang matino at mapagkatiwalaan na police. Kaya may tiwala ako sa kanilang dalawa na sila ang kasama niyo." Ani ni Kuya. "Maraming salamat, Kuya. Da best Kuya at Chief ka talaga. Kaya nga idol na idol kita. Sana police nalang pala ang kinuha ko." Pagbibiro ko kay Kuya. "Nah! Natatakot ka nga sa baril, mag pu-pulis ka pa. Saka mahirap ang trabaho ng pagiging pulis. Mabuti kung tanggap ka ng magiging boyfriend o asawa sa huli dahil sa trabaho mo..Minsan hindi mo alam ang panganib na dala ng trabaho mo sa pamilya mo. Mahirap kapag nasa sitwasyon ka na mamili, kung ano ang uunahin mo. Ang pamilya o ang trabaho." Malungkot na sabi ni Kuya Jonathan. Alam ko kung ano ang kanyang pinagdaanan lalo pa na hanggang ngayon hindi pa bumalik si Ate Mia. "Kuya, magtiwala ka lang. Babalik si Ate Mia. Babalikan ka niya, at naniniwala ako na mahal ka niya." Tumango lang si Kuya at nagpatuloy ng pagkain. "Kuya, huwag mo nalang ako ihatid. Mag trysikel nalang ako Kuya." Ani ko. "Sure ka? medyo inaantok na rin ako. Text ko nalang si Rodriguez na sunduin ka. Hindi mo pa kabisado dito kaya ayaw kitang pabayaan. Hindi natin alam ang mga tao sa ating paligid." Saad ni Kuya. Kaya tuloy parang yayakapin ko ng mahigpit si Kuya sa kanyang sinabi. Mabilis ako'ng kumain ng marinig ko nakausap ni Kuya si Knight at sinabi na susunduin ako at ihahatid sa shop. Mamaya ko nalang tawagan si bff, upang sabihin ang magandang balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD