CHAPTER SEVEN

1072 Words
KANY "Salamat, Knight. Sobrang nag enjoy ako saka busog na busog ako sa libre." Natatawang sabi ko. Nasa harap na kami ng bahay ni Kuya Jonathan. Pagkatapos namin kainin lahat na inorder ko. Nagpahinga lang kami saglit at naglakad pauwi. "Salamat din, K. Nag enjoy akong kasama ka. Ang akala ko hindi ka kumakain ng mga ganung pagkain. Kasi lumaki ka sa ibang bansa." Nakangiti na sabi ni Knight. "Grabi ka, mayrun naman sa Canada. Kaya lang mas masarap pa rin talaga ang pagkain dito. Saka hindi naman ako mayaman para mag inarte." Saad ko. "Sige, papasok na ako. Gabi na rin, saka baka napagod ka rin, kailangan mo na rin magpahinga. Salamat ulit, ingat ka pauwi. Saan ba kayo banda?" Tanong ko kay Knight. Dahil nag-alala ako na gabi na at mag-isa lang siya. "Pumasok ka na muna, saka ako aalis. Sure ka ba na hindi ka natatakot dito? Saka sa apartment kami dati ni Chief Jonathan nakatira. Siya ang nagsabi sa amin na duon kami n'ong pumunta kami dito." Aniya. "A- okay! Sige Knight. Ba-bye, salamat ulit sa pagsama. Good night." Ani ko. "Salamat K. Good night. Sige na pasok ka na. Aalis ako kapag nakapasok ka na sa bahay. Ako na rin ang mag sara ng gate." Nakangiti niyang sabi. Tumango ako saka binuksan na ang gate. Ngunit dahil nasa isipan ko si Knight natapilok ako pag hakbang ko sa gate. Ang akala ko, ma sob-sob ang mukha ko sa semento. Ngunit may kamay na humawak sa aking baywang. "Careful." Wika ni Knight sa namamaos na boses malapit sa aking tainga. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Dahil sobrang dikit ng aming katawan. Kahit nakatayo na ako hindi niya pa rin binitawan ang baywang ko. Parang nakayakap na siya mula sa aking likuran. "Sa-salamat. Okay na ako. Pasensya hindi ko napansin ang nakaharang sa gate. Hindi kasi umiwas." Nau-utal ko'ng sabi. Nag biro pa ako sa huli ko'ng sinabi para mawala ang kaba na naramdaman ko. "Next time mag-ingat ka. Tingnan mo ang dinadaanan mo. Mabuti nahawakan kita kaagad." Aniya. "Pwe-pwedi mo na ako'ng bitawan." Nau-utal ko'ng sabi. Dahil nanatili pa rin ang kamay niya sa aking baywang. Kung may makakita sa amin, parang isipin nila na nakayakap si Knight sa akin. Dahan-dahan niya din binitawan ang baywang ko "Okay ka na? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong ni Knight na may halong pag-alala. Humarap ako sa kanya saka ngumiti. "Hindi, okay lang ako. Salamat ulit. Sige na, pasok na ako. Ingat sa pag-uwi Knight." Ani ko saka dumiretso na sa papunta sa pintuan ng bahay ni Kuya. Hindi na ako lumingon pa dahil sa hiya. Saka parang gusto ko nang tumili sa kilig. Parang gusto ko siyang yakapin kanina. Ang init at ang bango ng kanyang hininga. Nataranta pa ako'ng hanapin ang susi sa loob ng bag ko. Nang makuha ko, lumingon muna ako sa gate. Nakatayo pa rin si Knight habang nakapamulsa. Kumaway pa siya sa akin. Ngumiti lang ako, saka humarap sa pintuan at binuksan ang pinto. Pagpasok ko, nag sinara ko ang pinto. Sumandal pa ako sa pintuan saka hinawakan ang aking dibdib na patuloy sa pagtibok ng mabilis. Hindi mawala wala ang ngiti ko dahil sa sobrang kilig. Tumili ako ng mahina at gusto ko'ng tumalon talon sana ngunit bigla ko'ng naalala ang CCTV camera kaya pinakalma ko ang aking sarili. Maya-maya tumingin ako sa bintana kung nasa gate pa rin siya. Napangiti ako ng makita ko siya na nakatayo pa rin siya sa labas ng gate, hinintay ko muna kung aalis na ba siya. Nakita ko na umilaw ang kanyang cellphone. Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Kaya kinuha ko sa bag ko dahil ang akala ko si Kuya Jonathan. Ngunit pagtingin ko, si Knight pala ang tumatawag. Kaya lumayo muna ako sa bintana at umakyat na sa hagdan papunta sa aking kwarto. "Aalis na ako. Ayos ka lang ba talaga? Wala ba'ng masakit sa iyo? Hindi ka natatakot na mag-isa ka lang?" Tanong ni Knight nang sinagot ko ang kanyang tawag. "Mag-ingat ka Knight. Okay lang ako dito. May CCTV CAMERA naman sa loob ng bahay ni Kuya. Saka secured naman ang bahay kaya hindi ako natatakot. Baka uuwi din si Kuya mamaya. Kaya ayos lang ako dito. Sige na umuwi ka na, gabi na rin. Salamat ulit." Sagot ko sa kanya. Narinig ko siyang malakas na bumuntong hininga. "Okay, K. Good night ulit. Message kita, kapag makauwi na ako." Aniya sa mahinang boses. "Ahm! K. Pwedi ba na mag-usap muna tayo habang naglalakad ako pauwi kung okay lang ba. Pero kung inaantok ka at gusto mo nang matulog. Sige off ko na, aalis na ako. Sure ko naman na naka lock ang gate." Wika niya sa kabilang linya. "O-okay Knight. Mag-usap tayo habang naglalakad ka. Sinamahan mo ako mamasyal at ni-libre mo. Kaya babawi din ako sa iyo. Hindi pa naman ako inaantok." Ani ko. Pagpasok ko sa kwarto, humiga ako habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone. "Salamat, K. Ngayon na naglalakad na ako. May aso pa sa daan, tumatahol sa akin." Aniya, narinig ko pa siyang mahinang tumawa dahil malakas tumahol ang aso. "Tumahol ka din." Natatawang sabi ko. "Joke, lang. H'wag ka lang tumakbo para hindi ka nila habolin." Dagdag na sabi ko. "Hindi naman ako natatakot. Saka sanay na rin naman ako sa mga aso. Marami din ang naglalakad galing sa grandstand. Na disturbo yata ang pagtulog ng mga aso dahil sa ingay nila kaya tumahol ang aso." Sagot niya. "Saan ka na ba banda?" Pagkuwan na tanong ko sa kanya. "Malapit na, kita ko na ang gate. Gusto mo na ba'ng matulog? Sige na, off ko na. Matulog at magpahinga ka na. Salamat sa pagsama sa akin kahit sa cellphone lang. You made my night K. Sana maulit pa ito." Wika niya. "Sana." Sagot ko. "Magpaalam ako kay Chief Jonathan sa linggo. Baka nan'diyan na rin si Virgo sa Sunday para apat tayo. Nandito na pala ako sa harap ng pinto. Sige na, matulog ka na. Papasok na ako sa bahay." "Okay, Knight." Sagot ko sa inaantok na boses. Pumikit ako at hindi ko pinatay ang tawag. Hinihintay ko na siya ang mag off. Ngunit narinig ko pa rin sa kabilang linya ang pag bukas at pagsara ng pinto. Hindi ko alam kung pinatay ba ni Knight ang kanyang tawag, dahil narinig ko pa rin ang kanyang boses hanggang sa tuluyan na ako'ng nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD